ANG KAGILA-GILALAS NA PAKIKIPAGSAPALARAN NI JUAN EKIS SA JAPAN
Part 5 (KAMAKURA)
Day 11: september 22
lumabas kami ng tokyo. pumunta kami sa probinsiya ng kamakura--ang zen capital ng japan, kundi ng mundo. isang oras ang bihaye sa tren.
kaming tatlo ay papuntang probinsiya at lahat ng tao paluwas, papasok sa opisina. nakakaaliw tignan ang mga tao. ambibilis nila talagang kumilos. nasabi ko na ba?
maghapon kaming naglakad. nakalimutan ko na kung ilang templo mayroon sa kamakura pero tatlo lang ang napuntahan namin sa buong araw. dahil nagkalat talaga ang mga ito sa kabuuan ng probinsiya. bawat isang templo ay may kwento, at may kasaysayan. hindi ko na isusulat dito dahil bukod sa tinatamad na akong magsulat, alam kong tatamarin ka na irng magbasa.
sa unang stop namin, naroon nakaupo ang pinakamalaking buddha sa buong mundo. mahina ako sa sizes pero talagang dambuhala si buddha, nakaupo, nagmemeditate, napakatahimik, napakaaliwalas, pati ikaw, mapapameditate.
pag-uwi ko, nagbabad ako sa mainit na tubig. haaay...sarraaap.
Day 12: september 23
buong araw lang kaming umiikot sa shibuya. naghahanap ng ginto.
komplikado ang bituka ng japan. dalawa ang bitukang gusto kong pasukin--ang bituka-eskinita at ang bitukang subway. komplikadong tignan pero madali rin namang sakyan ang subway system ng japan. hindi nga ito bituka. kung tutuusin, mas malapit ito sa mga ugat, dahil maraming sinusuutan, maraming dinadaanan. actually, intersection siya ng maraming circulatory systems. kailangan mong magtransfer ng ilang ulit para makarating sa pupuntahan mo. imaginin nyo na lang na may MRT na sa alabang, laguna, cavite, at pampangga. tapos pagkrus-krusin ninyo lahat yon kasama ng mga MRT at LRT na meron na tayo. tapos, lagay nyo sa ilalim ng lupa. yun na yon.
sa mga road crossing naman, parang alon ang mga tao lalo na pag nag-green light na. ang gandang tignan. parang yung dagat na hinati ni moses, biglang nagsara. ganun. astig. pinicturan ko nga e. sana mabuo kasi tinaas ko lang yung kamera sabay click. nasa gitna kasi ako ng alon.
uuwi na kami maya-maya...bukas na yun. ayoko pang umuwi kung tutuusin. kundi lang ako na-home sick. at kundi lang sa play ko at sa binding ng thesis ko, di na talaga ako uuwi. papaiwan na ko. tatrabaho na lang ako bilang janitor o kaya waiter. malaki pala ang sweldo. pero mahal din ang bilihin. pero at least, makakatulong ako sa magulang ko di ba? hehehe.
jan nagtatapos ang munti kong adventures dito. sorry at di ko natapos sa mas exciting na note. hindi rin ako nakapagsulat araw-araw dahil sa pagod at sa sikip ng schedule namin. ni hindi nga kami nakapagkita ni alda. tinawagan ko na lang. biruin mo, andito rin pala sha. kung alam ko lang di nakapagkita sana kami nang mas maaga. makabalik pa kaya ako dito?
sigurado akong marami akong na-miss na detalye. ayoko na kasing mag-isip pa ng isusulat. parang nalunod ako, gusto ko munang namnamin.
kita-kits tayo sa pilipinas. sana, masimulan ko na ang nobela at pelikula ko.
x
Tuesday, September 23, 2003
Sunday, September 21, 2003
ANG KAGILA-GILALAS NA PAKIKIPAGSAPALARAN NI JUAN EKIS SA JAPAN
Part 5 (TOKYO)
Day 8: september 19
I slept in summer and woke up in autumn.
Day 9: september 20
nanood kami sa umaga ng isang french film sa iwanami hall. ang iwanami's daw ay isa sa mga powerful at mayayaman na tao sa tokyo at sobrang patron sila ng arts lalo na ng pelikula. libre kami kasi kaibigan sila ni direk. walang subtitles ang pinanood namin kaya medyo ang hirap sumabay. pero isa lang ang conclusion, magandang pelikula. isa sa mga natutunan ko sa paggawa ng pelikula--ang lengguahe nito ay hindi nakaugat sa mga salita kundi sa mga imahen. isa itong malaking shift para sa akin dahil isa akong nagsusubok na maging writer...
sensha na kung tunog boring na ang mga kwento ko. masyado akong namamangha sa tokyo para isulat pa.
lumindol sa gitna ng pelikula. malakas. kinabahan ako. nangumpisal na ba ako? saan ako tatakbo for cover? e nasa taas kami ng building. pero mas nagulat ako sa mga tao. para wala lang. chika lang. lumindol na nga, chika lang sila. walang nagpanick, walang umalis sa upuan, walang tumili. nagbulungan lang sila at nagpatuloy sa panonood. nakarollers pala ang buildings dito kaya hindi basta-basta gumuguho. saka nga pala, 10 times a week kung lumindol sa japan kaya sa kanila, para ka lang nagkape.
pagkatapos ng sine, pumunta kami sa kabukiza. mahal lahat ng bilihin pero sobrang mahal ng kabuki. nanood kami ng tatlong sunud-sunod na kabuki. 20 minutes lang ang intermission pero ang bilis nilang magbaklas at mag-assemble ng set. grabe na 'to! ang theater nila dito ay 7 days a week. at hindi nauubusan ng audience. talagang nanonood sila. at hindi lang elite kundi masa, pangkista, matanda, bata, lahat! tinatangkilik talaga nila ang sarili nila.
wala na akong masasabi sa kabuki. hapon syempre ang wika pero meron kaming earpiece na annotator in english. nakakaiyak, nakakatawa. ang gagaling umarte. ang gagaling sumayaw. at take note, walang babae sa kabuki! puro lalaki kahit female roles. ang lupet. sana one time makapagdirek din ako ng kabuki.
Day 10: september 21
nakipagkita kami sa kaibigan ni direk na hapon pero marunong mag-inggles at magtagarog--si akira. isa siyang cultural anthropologist, journalist at publisher na sumusulat tungkol sa anthropology ng kusinang asyano. cool kasama. siya ang tour guide namin sa shibuya.
nanood kami ng pelikula ni takeshi kitano. kung nanood kato ng eiga sai sa megamall last week, siya ang featured director. pinanood namin ang "zatoichi" remake niya ng isang legendary film series kung saan binase ang pelikulang "blind fury." isa siyang bulag na samurai pero ang lupet. ayos sa action sequences pero medyo sablay yung blood effects kasi halatang CG. bayolente kaya di papasa sa MTRCB natin. hit siya dito sa japan. nag-enjoy ako kahit wala ulit subtitles.
sa gabi, nilibot namin ang Shibuya. Ito ang Makati version ng tokyo. sangkatutak ang tao. sa fukuoka, pag naglalakad ako sa gabi ng mga alas-diyes, wala na halos tao. dito, andami, parang langgam. ang bibilis pang kumilos. hindi ka pwedeng tumigil dahil maaanod ka nila. at tiyak maliligaw ka pag di mo sinundan si direk. umuulan. andaming payong. pare-pareho pa. lahat magkakamukha maliban sa hairdo. maliligaw ka talaga. mabuti na lang, pinoy lang ang sumisitsit.
nakakapagod maglakad. bukas, marami pa kaming lalakarin.
to be continued...

Thursday, September 18, 2003
ANG KAGILA-GILALAS NA PAKIKIPAGSAPALARAN NI JUAN EKIS SA JAPAN
Part 4
Day 7: september 18
Hindi masyadong masikip ang schedule namin ngayon dahil ang pelikulang naka-
schedule sa umaga e napanood na namin pareho. nagpunta na lang kami sa canal
city. dinala kami doon ni direk para mamili at mamasyal. wala akong napamili
dahil puro designer clothes lang ang nandun. tiyak na langit iyon para sa mga
babae. e pero kami ni mo, naurat lang. kumain na lang kami at nag-ikot. pero
may nabili akong stress balls. pero para kay beans lang iyon ay kay cheko.
hehehehe.
after lunch, pinanood namin yung "warabinoku" or "to the bracken fields" ng
japan. ang ganda lang. based on a lore/myth. ang ganda ng score, ang ganda ng
pacing, ang ganda ng cinematography, kayang-kaya ng pinoy. kaso tiyak kong di
papanoorin 'yon dahil puro gurang ang mga bida. sa pinas, bagets lang ang
pinapanood. or baka ina-under estimate ko lang ang pinoy audience. baka nag-
uutak producer na rin ako...
tapos isa pa ulit pelikula--hejar. from turkey. slow-paced story telling pero
swabe. heart-warming pero mas heart-warming tayo magkwento. di ko lang
nagustuhan ang music dahil it doesn't get past the first musical phrase, it
doesnt develop. kaya ang damdamin mo, laging nagre-reset, di nagdedevelop.
could be better, pero not bad filmmaking at all.
after nun, binigyan kami ng farewell dinner ni Tadao Sato, ang ultimate film-
buff ng japan, academician/historian, at punong-abala ng festival. lahat kami
from pinas at lahat ng galing thailand ang nasa dinner, kasi nga aalis na kami
bukas papuntang tokyo. ang haba ng dinner. siguro may 7-9 course dinner yon.
pero, puro pagkain ng budhhist. walang karne. puro tofu, gulay, sabay, at
seafood. dehin pa naman ako kumakain ng isda. mamaya mag-k-KFC ako.
hala, ngayon, sanay na ako sa isda. pero pag-uwi ko, feeling ko sawa na ulit
ako sa isda kaya hindi na ulit ako kakain ng isda. bumawi na lang ako sa sake.
astig ang lalagyan nila. kawayan! para siyang thermos na gawa sa kawayan. pati
baso, kawayan. sarap ng sake. nakadalawang mahabang kawayan kami ni mo ng sake.
hindi...hindi kami nalasing. pero mag-ingat kayo sa sake...dahil matamis, di mo
namamalayan me amats ka na.
tapos na ang party. uwi na kami. daan lang ako dito sa cybac para sa huling
internet session ko sa kanila. sayang naman tong membership card ko. valid kaya
to for a lifetime? babay na kay mimi, yung magandang artista na taga-sri-langka
na di namin nasipot nung inimbitahan kami kagabi na mag-bar at di ko man lang
na-picturan. siguro bukas pag nagkita kami sa breakfast bago kami umalis. babay
na rin sa porter naming cute na cute. (at sa waitress namin kanina sa dinner)
babay na sa mga probinsiyanong anime. bukas, tokyo na!
sabi nga ni direk marilou sa dinner--"tomorrow, we're leaving japan and moving
to tokyo. because tokyo is not japan."
ano'ng planeta kaya ang tokyo?
hmmm....abangan.

Part 3
And the saga continues...
DAY 5: sept 16
TIPS in SURVIVING JAPAN
1. ang flush ng kubeta ay nasa gilid ng lababo. baka kung saan mo hanapin, may
bakal na pindutan sa gilid ng lababo.
2. gagana lang ang panghugas ng pwet o bidet kapag umupu ka na sa ass gasket.
pressure sensitive yata ito. pwede mong kontrolin ang water pressure, lakasan
ito para garantisadong malinis at walang natirang, ano'ng tawag dun? burnik ba?
3. wag kang bibili ng iced tea. ang iced tea nila dito, literaly, pinalamig na
tsaa. kaya baka madisappoint ka na lasang damo ang nestea iced tea mo.
4. mahal ang lahat ng bilihin. kung nagtitipid ka, punta ka sa convenience
store at dun ka bumili ng tsibog na pwedeng ipa-microwave. o kaya bili ka na
lang ng cup noodles.
5. para ding pinas. turo-turo ka lang pag me bibilin.
6. hindi nila nilalagyan ng kadena ang mga bike nila dito. at sangkatutak ang
mga bisikleta dito. kung pagod ka na sa kakalakad, pitik ka lang ng isa. 1%
lang ang crime rate dito, kung gusto mong lakihan ng konti, try mo mag-bike.
---------------
hindi ko talaga maalala kung anong nangyari. sobrang halo-halo na ang mga araw
sa utak ko. o dahil puyat lang ako at nakainom?
naaalala ko lang, nanood kami ng pagkapangit-pangit na vietnamese film. sabi
nga nila, ang vietnam daw ay 20 years behind sa kanilang film industry. ang
kanilang da best ay mga tipong lito-lapu films natin nung araw pero talagang
mas naaaliw pa ako sa lito-lapu kesa sa vietnam films. boring sila, at walang
aesthetic distance. lalo na yung Hanoi-12 days and night. tungkol ito sa
vietnam war. fine, perspective naman daw nila pero sobrang walang aesthetic
distance. galit na galit sila sa mga amerikano na hindi na nila naayos ang
direction, ang acting, ang editing, etc. it was really a bad film. pero
suportado sila ng gobyerno nila. sobra. sabi nga namin ni mo, amin na lang yung
pera, mag-aaral kami ng vietnamese at igagawa namin sila ng pelikula nila.
nagpunta pala kami ni mo sa castle ruins ng fukuoka. malayo rin ang nilakad
namin. 1 oras kaming naglalakad. at to our dismay, ang castle ruins na dinatnan
namin ay literally na ruins. dahil walang natira kundi mga tambak ng bato. oo
nga naman, kahoy ang kanilang mga castle. kung nasira ito ng giyera, malamang
sinunog na ito at bato lang ang natira. kung balak mong lakarin mula hotel mo
papunta rito, sinasabi ko sa'yo. not worth it. magbike ka na lang.
sayang di ko nadala ang camera ko sa party. kasi nagkaroon ng party sa gabi
para sa lahat ng delegates. finally, nakakita na ako ng diyosa. dalawa pa.
kasama namin sa table ang anak ni aparna sen--isang astig na filmmaker sa india-
-na gumanap na mrs. iyer sa pelikula (kwento about the movie sa ibaba). tapos,
isa pang artista, nakalimutan ko pangalan pero nasa programme ko. taga sri-
lanka. bumbayish beauty pero grabe, kakalaglag bagang. solb na akong tumitig sa
kanila at makipagngitian at makipagkawayan. yayayain sana namin ni mo na mag-
bar kaso biglang nawala.
kelangan magper-form ng lahat ng mga bisita. alangan namang sumayaw ako. buti
na lang kumanta na lang sina direk laurice at direk maryo ng "dahil sa'yo."
lahat sila natahimik habang kumakanta ang dalawa. iba talaga ang dating ng
pinoy. feeling ko talaga?Asikat ang pinoy sa japan.
bar kami ulit tatlo, ako si mo at si direk maryo. balik kaming morpheus at
nagkwentuhan tungkol sa pelikula, sa plays, sa mga kwentong buhay, pano
nakarating dito, doon. gusto ni direk na magdevelop daw ako ng screenplay para
sa kanya. ayos to. tuluy-tuloy na. pagbalik namin ng japan, sisimulan na namin
nina sarge lacuesta ang script ng next movie ni direk marilou. tapos, eto pa si
direk maryo, nanghihingi ng materyal. wag lang sana akong maubusang ng
inspirasyon.
naaliw sa amin ang may-ari ng morpheus. kasi 2nd night na namin doon. naglabas
siya ng tanduay at nakipagtagayan sa amin. sa konti niyang nalalamang inggles,
sinubok niyang makipagchikahan sa amin.
hirap kaming umuwi. muntik na kaming maligaw. hindi dahil sa nakakalito ang mga
daan ngunit dahil sa pare-pareho nang malakas ang aming mga tama...tama na
nga...
DAY 6: Sept 17, ngayon.
dinala kami ng mga organizers sa fukuoka city public library para makita ang
film archive. sa film archive tinatago ang mga film na na-acquire ng library
all over asia. dito nila ito pini-preserve, sa loob ng isang malamig na vault.
marami na ring pelikulang pinoy ang na-acquire ng library. buti nga sila, na-
archive ang karamihan sa mga pelikula nina lino brocka, ishmael bernal, manuel
conde, bert avellana at iba pang national artists. sa pinas kaya, naitago nila
ang mga films na iyon?
high tech ang library. mga tsong, gusto ko talagang umiyak at ayoko nang umuwi.
pwedeng dito na lang ako tumira sa loob ng 2 taon at wala akong gagawin kundi
manood ng pelikula. maraming mga cubicles. bawat isa ay pwedeng solo,
dalawahan, limahan, etc. pwede kayong manood ng pelikula, in video siyempre.
sangkatutak na pelikula ang mayroon sila lalo na ang mga asian films. lahat ng
importanteng pelikula, nasa kanila. sabi ko nga, mag-stay ka lang siguro ng
ilang linggo rito, film expert ka na.
ang buong library, isang napakagandang artwork. mula exterior, interior,
hardware, software, astig! eto ang marriage ng art and technology. dinala kami
sa loob ng projection room. mayroon doong computer na gumagawa ng subtitles ng
mga pelikula para di mo na kailangang i-burn sa film ang subtitles. using this
system, malalagyan ng subtitles ang mga lumang pelikula without having to
damage the film itself.
ang ganda ng theater sa library. panis ang mycinema sa greenbelt.
pinanood namin ang carmen returns home ng japan--ang una nilang colored movie.
okey siya. pero dahil puyat kami, kalahati lang yata ang naintindihan ko.
nahihilo ako sa panonood.
nakakaiyak talaga dito. bakit? nasa probinsiya pa lang kami, wala pa sa tokyo,
pero parang sobrang ganda ng lugar. sabi nga ni direk, i dont mind paying taxes
kung dito naman napupunta. bawat kantong tignan mo, may sculpture, may artwork.
artists talaga ang mga hapon. ang mga kalye, kumpleto sa signs at sa markers
para sa mga disabled at sa mga bulag. walang polusyon. tahimik. conducive
talaga sa art...ayoko nang umuwi.
kung magagawi kayo sa fukuoka, wag nyong mamimiss ang library. hindi pa naman
ako well travelled pero so far, ito na ang pinaka-high tech na library na
nakita ko. pano na kaya sa tokyo?
nanood kami ng indian film na mr and mrs iyer. astig ang pelikulang ito ni
aparna sen. isa siyang henyo. nakakainlove. kundi ako nagkamali, pinalabas ito
sa cinemanila nito lang nakaraang buwan. gusto kong maiyak sa pelikula. lately,
nagiging iyakin ako. istorya ito ng isang Hindu na may asawa na na nainlove sa
isang Muslim. Bawal na pag-ibig ba. pero ang malupit nito, walang nagyari sa
kanila pero maraming nangyari. ang tindi lang ng tensiyon. Ni hindi sila
nagkiss. parang in the mood for love ni wong kar-wai.
pagkatapos, actually, tapos na dapat ang gabi ko. kaso, may show pa si direk
laurice ng american adobo. nakiusap siya na videohan ko raw siya sa Q&A.grabe
talaga ang pagtanggap ng audience sa Filipino films. maraming nagtanong at
nagcomment sa pelikula. maraming naka-relate at nakagusto. May isa pa ngang
journalist na sobrang natuwa, binigyan ng regalo sina direk marilou at direk
laurice. mga simpleng tao, simpleng mamamayan, mga banyaga, pero nasasapul ng
pinoy story-telling. marami akong natututunan sa paraan ng pagkukwento at sa
kung paano nakikita ng mga banyaga ang paraan natin ng pagkukwento.
pagkatapos ng Q&A, nagkwentuhan muna kami ni direk laurice tungkol sa proseso
niya ng paggawa ng american adobo. hanep dahil 20 days lang niya ito kinunan sa
states. 12 hours a day at talaga daw sinusunod nila ang union rules sa america.
kami sa moral2, we7d shoot minsan for 20 hours, hintayan, puyatan. tapos,
nagkwento rin si direk tungkol sa susunod niyang pelikula. interesting malaman
ang perspective ng direktor lalo na sa pakikipag-usap sa producer. medyo
hinahanda na ako sa dapat kong harapin. may kutob akong ito ang magiging
malaking problema ko sa hinaharap--ang producer. parang mas gugustuhin ko na
lang maging indipendent filmmaker. kaso nga lang, maghihirap ako. kaya
kailangan ko talagang mag-asawa ng mayaman.
baka di na ko mag-bar mamya. ako na lang mag-isa ang buhay sa aming lahat.
pagod na ang tatlong direktor at mukhang me sakit pa ang room mate ko. lumabas
lang ako ng hotel para magkuwento. siguro maglalakad-lakad ako sa mga kalye
para makapagsulat ng bagong tula o ng bagong play. pinipilit kong tumula sa
hotel, wala akong masulat. siguro sa kalye, marami akong mapupulot.
salamat sa pakikinig. aalis kami sa biyernes ng umaga papuntang tokyo so baka
hindi agad ako maka-email. salamat sa pagbabasa. kahit papano, alam kong may
kausap ako sa kabilang linya...
try kong magkwento bukas.

Monday, September 15, 2003
ANG MGA KAGILA-GILALAS NA PAKIKIPAGSAPALARAN NI JUAN EKIS SA JAPAN
PART 2
Day 3: sept. 14
hapon ang misa kaya bahala na si God sa amin. buti na lang may dalang Roman
missal si direk kaya binabasa na lang namin yung English version.
malapit lang ang simbahan mula sa hotel, mga 5 minutes walk. astig din silang
magmisa, mayroon pa ring japanese touch. walang koleksiyon ng pera sa
offertory. sabi ni direk, ganun talaga dito. sa simula ang koleksiyon ng pera
para di raw madumihan ng pera ang kamay pag nagkomunyon na. astig.
Totoo ang hinala ninyo. mukha silang mga anime. Kakaiba ang mga hairdo nila.
kung hindi lang ako magmumukhang tanga sa pagkuha ng litrato ng bawat
masalubong ko dito, uuwian ko kayo ng litrato para patunayan ko. Kung ano ang
hitsura nila son gokou, samurai x, mga ghost fighter, at pati na rin ang mga
nasa final fantasy, ganun! sakto ang hairdo nila. kakaaliw. minsan nga, gusto
kong hawakan. Kaya ako, nagtatali na rin ng buhok para magmukhang samurai kahit
papano.
mataas ang pitch ng boses ng mga babae dito. siguro after 1 month, mabibingi na
ako. minsan cute pakinggan, minsan nakakairita na. ang taas. paulit
ulit: "arigato gozaimasu ta!" kahit saan ka magpunta. cute yung porter namin.
saka ung kahera sa coffee shop na binilan ko ng bacon and hotdog sandwich--
mukha talagang anime. kaya lang di ko mayayang lumabas kasi di marunong mag-
english.
sa hapon, nanood kami ng american adobo. okay naman siya pero hindi ko
masyadong nagustuhan ang script. tapos nanood kami ng isa pang pelikula: let's
not cry. nakatulog ako sa ilang parts. boring. so far, disappointed ako sa mga
pelikula nila. magaling pa rin ang sa atin. biruin mo, ngalngal ang mga hapon
sa magnifico!
tapos, naglagalag kami ni mo saka ni direk maryo sa mga eski-eskinita na tenjin
sa fukuoka. naghanap kami ng mga bar at tumingin-tingin ng mga exotic na
makakainan. marami rin kaming napuntahan. may isang restoran--or karinderya
kaming napasukan na sobrang sarap nung beef. dun kami nag-inuman tatlo. tapos
chinika kami nung isang waitress. okay lang, cute na rin. marunong siyang mag-
english kaya nakipag-chikahan sa amin. sabi namin naghahanap kami ng bar.
mayroon daw ang kaibigan niya. sasamahan daw niya kami. ayos pala to e...
dinala kami sa morpheus. dalawang liko lang. sobrang liit. medyo boring.
sampung tao lang yata ang kasya. madilim na madilim kaya di ko masabi kung
magaganda ang mga nakasama ko. dun namin tinuloy ang inuman. ano'ng nangyari
dun sa naghatid sa amin? e nagpaalam na, di man lang namin naibili ng drink
bilang pagpapasalamat. mabuti na rin yun, mahirap na at madilim sa bar...
pagdating ko sa hotel room, bagsak ako. kaso, di ako makatulog. lakas humilik
ng roommate ko...
Day 4: september 15
ngayon to. nag-wake-up call si direk ng 9.45. sabi niya, meet daw kami ng
10.10. turbo ligo naman kami at diretso breakfast. nanood kami ng 1st movie of
the day galing vietnam: heaven's nest. alang kalatuy-latuy. maganda pang manood
ng FPJ o lito lapu, este lito lapid pala.
Short lunch lang tapos, dumaan kami sa forum ng asian filmmakers. speaker doon
si direk marilou at ilan pang mga astig na direktor. andun din si majid
majidi...tama ba? ung direktor ng iranian film na children of heaven. pinag-
usapan nila ang state ng asian film industry. grabe pala sa sri lanka ngayon.
10 movies a year lang sila. tapos, 6 out of 10 soft porn pa! wag sanang
mangyari sa pinas.
sa gitna ng forum, natutulog-tulog kami ni mo. so nagdecide kaming matulog muna
saglit. 4:30 ang sumunod na pelikula, perod ako na lang mag-isa nanood dahil
knock-out na si mo. sa wakas, may matino nang pelikula--mouth-organ from india.
isa itong "children's movie na funded ng children's ministry ng india. okey
din. di man nakakaiyak, nakakaaliw at nakatutuwa naman. pero ung hapong katabi
ko, umiiyak. grabe talaga itong mga hapon, iyakin. saka nakwento ko na ba? di
sila umaalis or pumapalakpak hanggat di tapos ang credits? nihindi binubuksan
ang ilaw hanggat di nauubos ang buong closing credits. ganyan nila nirerespeto
ang pelikula dito. at maraming nanonood considering na probinsiya ang fukuoka.
hindi tulad sa atin, libre na nga ang french film fest at cineuropa, nilalangaw
pa rin.
dapat manonood ulit kami ng movie ng 7pm. kaso nagkamali kami ng movie na
pinuntahan. pagpasok namin ni mo, walang english subtitle yung movie. narealize
namin na nasa kabilang movie pala nanood sila direk. e mga 2 blocks away
pa 'yon. kaso late na kami. kaya dumiretso na lang ako dito sa cyber cafe para
magkwento.
so far iyon pa lang ang nangyayari dito sa akin. para ngang gusto ko nang
tumira dito. kaso ano namang gagawin ko dito, di naman ako marunong maghapon.
sana nga may maging girlfriend ako dito kahit for 2 weeks lang para naman may
adventure ako. hindi naman ako bored. actually, nakakaaliw manood ng pelikula,
umatend ng mga presscon, at sumingit sa mga meeting. astig yung id namin.
nakasulat dito?F "valid also for admission to any cinema in fukuoka excluding
AMC 13 in the canal city." biruin mo! kahit anong pelikula pwede! kahit yung
mga hollywood films. kaso me problema, lahat ng hollywood films dito, naka-dub
sa hapon. pestengyawa. kaya sila bobo sa english e.
after 2 days ulit...

Saturday, September 13, 2003
ANG MGA KAGILA-GILALAS NA PAKIKIPAGSAPALARAN NI JUAN EKIS SA JAPAN
Day 1: September 12.
Teka, bakit ba muna ako nagpunta sa Japan? Sa mga hindi ko pa nababalitaan,
isinama ako ni Direk Marilou Diaz-Abaya, kasama ang isa pang estudyante niya--
si Mo Zee--para sa Fukuoka International Film Festival. Kami ay bahagi ng
delegation ng Pilipinas na pinangungunahan nina Direk Maryo J. Delos Reyes at
Direk Laurice Guillen. Isinama ako bilang bahagi ng training ko sa paggawa ng
pelikula. Sagot ng Ayala ang lahat ng gastos ko.
Anyways, nababaliw na ako dito kaya kailangan kong magkwento sa inyo...
Dumating kami pasado ala-una sa Fukuoka. Ang fukuoka ay somewhere south of
japan. Isa itong probionsiya. Wala namang pinagkaiba masyado sa Maynila sa
unang tingin bukod sangkatutak ang signs na hapon, bihira ang may translation,
at baligtad ang trapiko (kaliwa ang daan at right hand drive sila.)
Sandali lang kami nakapagpahinga sa hotel dahil pressconference agad. Hindi
naman talaga kami kasali nina direk Marilou, Mo, at ako sa presscon pero
kailangan kaming naroon. Kasama sa presscon sina Direk Maryo para sa kanyang
entry na Magnifico at si direk laurice para sa entry niya na American Adobo.
Pagkatapos ng presscon, party na. haneps talaga ang mga hapon laging on time.
Talagang pinapaalis kami sa venue ng presscon para sa opening movie. Kinukulit
kami ng mga ushers na bilisan para makapagsimula on-time.
Sa party, siyempre, maraming Asian Filmmakers, press, artists, actors, cute na
mga waitress at higit sa lahat...tsibog. So lamon kami ni Mo. Daming toma. toma
kami nang toma. Toma all you can. tapos biglang tinawag ang mga filmmakers isa-
isa. Isa-isa silang nag^bow sa stage. Nagulat na lang ako, biglang tinawag
pangalan ko. Walastek, kasali pala talaga kami, hindi lang kami salimpusa. Eto
bigla kong binitawan ang toma't tsibog ko sabay bow sa stage. wow mehn, sarap
ng feeling, sikat!
Nang bigla na lang, sa gitna ng pagtoma namin, may sumabog sa stage! Napamura
ako sa gulat. Tapos may nagsalita na hapon. Translation ayon kay direk marilou
(she speaks japanese btw) "they're announcing that the party just ended."
Pambihira, pati katapusan ng party, on-time. Punta na raw kami sa sinehan para
sa opening movie.
e di upuan na. sa gitna namin ni mo, si direk marilou. e nakailang toma naba
kami ni mo? pambihira, kalahati ng pelikula, tinulugan ko. pinipilit kong hindi
magpahalata baka mahuli ni direk. muntik na akong humilik. nagpalusot na lang
ako na bigla nasamid at inubo.
Pagkatapos ng pelikula, jumebs ako sa high-tech naming kubeta. May automatic na
taga-hugas. astig talaga dito sa japan.
Day 2: September 13
Pumunta kaming 5(ako, si mo, at yung tatlong direktor) sa Dazaifu at bumisita
sa isang Shinto temple. Unang araw pa lang, mauubos na yata ang film ko. At
puro view ang kinukunan ko hindi tao. Wala pang masyadong cute na chiks kaya
wala pa akong napipicturan maliban dun sa isang "madre" sa shinto services.
cute sha kaya pinicturan ko. Sana may makilala akong cute na filmmaker dito sa
japan. so far, kami pa lang ni mo ang pinakabata sa Eiga Sai (film fest).
Tatlong taon siguro bago ko matutunan ang lengguahe nila.
Nakakailang tumawag sa room service. Hindi mo alam kung naintindihan ka nila.
Basta inuulit ko lang lahat ng order ko. dumarating naman nang tama. Pero hindi
ko talaga sila maintindihan. Kaunti lang ang marunong mag-Inggles. nabobobo
tuloy ako.
Pagbalik namin from Dazaifu, nanood kami ng opening ng Magnifico. Grabe, hindi
ko napigilan, nagbaha ang luha ko. Pero natawa ako, dahil sabay-sabay lahat ng
hapon na naglabas ng panyo at nag-iyakan. The movie was well received. andaming
nagtanong sa Q&A. Maraming hapon ang umiyak. tapos na ang pelikula, Q&A na,
umiiyak pa rin ung katabi ko. At grabe silang rumespeto sa pelikula, walang
tumatayo hanggat di tapos ang credits.
Nakakabadtrip lang pagpunta ko dito sa internet cafe. Walang marunong mag-
english. e iniwan na ako ni direk. hala, bahala na. turo-turo nalang.
Nagpamember ako dito sa Cybac. Astig. multi-media, me sarili kang estasyon.
kumpleto. kaso pag-upo ko, hapon ang sulat sa computer.
Sabi ko sa attendant. pakigawang english. nakngtipaklong, di nya rin alam.
sige, pagtitiyagaan ko na dahil english naman ang website ng edsamail. e di
type ako ng email ko, umalis na yung attendant. nakngtipaklong, hapon ang
lumalabas na characters. tawag ako sa telepono. Naghapon ang kausap ko. sabi
ko, "Can I speak to someone who could speak in english?" sabi niya "no
english..." at binirahan ako ng sangkatutak na hapon. walastik. sabi ko na lang
yeah...sure...whatever...sabay baba ng phone.
Pagkatpos ng ilang sandaling pagkalikot sa settings ng computer, may kumatok na
attendant sa station ko. sa wakas! May pinindot lang na isang button, English
na ulit. Yun lang yon!
kaya eto, nagtatype ako ng kwento dahil baka makalimutan ko pa. Marami pa
actually na mga adventures. Pero baka tamarin ka nang magbasa. Masarap ang
tsibog, natututo na akong kumain ng isda dahil puro sushi, sashimi, etc. dito.
sana, mabuo ang mga pictures dahil hindi automatic dala ko kundi yung manual
kong SLR.
yun lang muna, 1:30 am na dito. (una lang kami ng 1 hour). baka hinahanap na
ako ni direk. sisimba pa bukas ng umaga. Hapon daw ang misa. di bale na.
magkakaintindihan naman kami ni God e.
2 days na ako, wala pa akong nakikitang cute maliban dun sa babaing nag-akyat
ng bagahe namin sa kwarto. tutulungan sana namin ni mo pero wag daw sabi ni
direk, maiinsulto daw sila. sa 18, punta kaming tokyo. baka dun, may makilala
na akong cute.
sa susunod ulit.

Monday, May 19, 2003
couldn't help but remember... i wonder how this story's gonna end.
*sigh*
Villanelle Ng Pusong Lumimot Na Biglang Nakaalala
Nilimot na kita't ginuhit sa tubig
Fli-nush sa kubeta, iyong alaala
Ngunit nagbabaha ang lumang pag-ibig
Sinara ang gripo ng puso at isip
Dahil ang sabi mo'y kalimutan ka na
Nilimot na kita't ginuhit sa tubig
Binuhos nang lahat ang laman ng dibdib
Kasamang lumubog ng natuyong luha
Ngunit nagbabaha ang lumang pag-ibig
Sa mga magdamag na hindi maidlip
Pipikit ang mata't sa sarili'y wika:
Nilimot na kita't ginuhit sa tubig
At kung papalarin ay mananaginip
Sasagot ang dilim nitong talinghaga:
Ngunit nagbabaha ang lumang pag-ibig
Gigising nang bigla't sa trono'y sasaglit
Magmumuni-muni sa flush ng kubeta.
Nilimot na kita't ginuhit sa tubig
Ngunit nagbabaha ang lumang pag-ibig.
18 May 2003, 5:10am
9s' room

Subscribe to:
Posts (Atom)