Saturday, September 11, 2010

Unang Tula

(para kay alex)


binasag mo
ang pananahimik ng aking tula

upang hanapin ang pag-ibig sa pagitan ng mga berso
at salatin ang gaspang at kinis ng mga tanong ko

kung totoo

nga bang bilog ang mundo

sa loob ng naalimpungatan kong uniberso.

binasag mo.

pinulot ko
ang mga bubog ng aking talinghaga

at pinilit kong humubog ng tula
ngunit nabuo’y mga kristal na alaala

ng mga luma

kong tula ng pag-ibig

na inukit ko sa tubig

na binasag mo
upang manahimik ang aking tula.

Walang Meron (excerpt from KBC: Samahan ng mga Bitter)

ERIC. I can't be Ed's best man.

MARLOWE. Of course you can. You won the bride for him. (tatawa)

ERIC. Gago.

Tahimik.

ERIC. Walang nangyari sa’min.

MARLOWE. Wala?

ERIC. Wala.

MARLOWE. Wala.

Tahimik.

ERIC. Well muntik na.

MARLOWE. E di hindi wala ‘yon.

ERIC. Wala akong ginawa.

MARLOWE. Wala?

ERIC. Wala.

MARLOWE. Okay. Wala.

ERIC. Meron.

MARLOWE. Walang meron?

ERIC. Hindi ko magawa.

MARLOWE. O baka hindi niya magawa?

ERIC. Does it make a difference?

MARLOWE. Tingin mo, bakit sa lahat ng lalake sa buhay niya, sayo pa lang siya hindi nakikipagsex?

ERIC. You have slept with Masi?

MARLOWE. That’s not the point.

ERIC. Tangina Marlowe…si Masi?

MARLOWE. Focus! Pare, focus! May nangyari sa inyo the other night.

Tahimik.

ERIC. Pa'no mo nalaman?

MARLOWE. Trabaho kong manood ng tao, Eric.

ERIC. Walang nangyari sa amin.

MARLOWE. Alam ko. Wala. Pero meron.

ERIC. Hindi ko magagawa.

MARLOWE. Hindi rin niya magagawa.

ERIC. Dahil ayaw niya sa akin.

MARLOWE. Explain mo nga sa akin kung paano ka naging summa cum laude ng batch mo.