Thursday, September 18, 2003

ANG KAGILA-GILALAS NA PAKIKIPAGSAPALARAN NI JUAN EKIS SA JAPAN
Part 4


Day 7: september 18

Hindi masyadong masikip ang schedule namin ngayon dahil ang pelikulang naka-
schedule sa umaga e napanood na namin pareho. nagpunta na lang kami sa canal
city. dinala kami doon ni direk para mamili at mamasyal. wala akong napamili
dahil puro designer clothes lang ang nandun. tiyak na langit iyon para sa mga
babae. e pero kami ni mo, naurat lang. kumain na lang kami at nag-ikot. pero
may nabili akong stress balls. pero para kay beans lang iyon ay kay cheko.
hehehehe.

after lunch, pinanood namin yung "warabinoku" or "to the bracken fields" ng
japan. ang ganda lang. based on a lore/myth. ang ganda ng score, ang ganda ng
pacing, ang ganda ng cinematography, kayang-kaya ng pinoy. kaso tiyak kong di
papanoorin 'yon dahil puro gurang ang mga bida. sa pinas, bagets lang ang
pinapanood. or baka ina-under estimate ko lang ang pinoy audience. baka nag-
uutak producer na rin ako...

tapos isa pa ulit pelikula--hejar. from turkey. slow-paced story telling pero
swabe. heart-warming pero mas heart-warming tayo magkwento. di ko lang
nagustuhan ang music dahil it doesn't get past the first musical phrase, it
doesnt develop. kaya ang damdamin mo, laging nagre-reset, di nagdedevelop.
could be better, pero not bad filmmaking at all.

after nun, binigyan kami ng farewell dinner ni Tadao Sato, ang ultimate film-
buff ng japan, academician/historian, at punong-abala ng festival. lahat kami
from pinas at lahat ng galing thailand ang nasa dinner, kasi nga aalis na kami
bukas papuntang tokyo. ang haba ng dinner. siguro may 7-9 course dinner yon.
pero, puro pagkain ng budhhist. walang karne. puro tofu, gulay, sabay, at
seafood. dehin pa naman ako kumakain ng isda. mamaya mag-k-KFC ako.

hala, ngayon, sanay na ako sa isda. pero pag-uwi ko, feeling ko sawa na ulit
ako sa isda kaya hindi na ulit ako kakain ng isda. bumawi na lang ako sa sake.
astig ang lalagyan nila. kawayan! para siyang thermos na gawa sa kawayan. pati
baso, kawayan. sarap ng sake. nakadalawang mahabang kawayan kami ni mo ng sake.
hindi...hindi kami nalasing. pero mag-ingat kayo sa sake...dahil matamis, di mo
namamalayan me amats ka na.

tapos na ang party. uwi na kami. daan lang ako dito sa cybac para sa huling
internet session ko sa kanila. sayang naman tong membership card ko. valid kaya
to for a lifetime? babay na kay mimi, yung magandang artista na taga-sri-langka
na di namin nasipot nung inimbitahan kami kagabi na mag-bar at di ko man lang
na-picturan. siguro bukas pag nagkita kami sa breakfast bago kami umalis. babay
na rin sa porter naming cute na cute. (at sa waitress namin kanina sa dinner)
babay na sa mga probinsiyanong anime. bukas, tokyo na!

sabi nga ni direk marilou sa dinner--"tomorrow, we're leaving japan and moving
to tokyo. because tokyo is not japan."

ano'ng planeta kaya ang tokyo?

hmmm....abangan.

x

No comments:

Post a Comment