Monday, September 15, 2003

ANG MGA KAGILA-GILALAS NA PAKIKIPAGSAPALARAN NI JUAN EKIS SA JAPAN
PART 2


Day 3: sept. 14

hapon ang misa kaya bahala na si God sa amin. buti na lang may dalang Roman
missal si direk kaya binabasa na lang namin yung English version.

malapit lang ang simbahan mula sa hotel, mga 5 minutes walk. astig din silang
magmisa, mayroon pa ring japanese touch. walang koleksiyon ng pera sa
offertory. sabi ni direk, ganun talaga dito. sa simula ang koleksiyon ng pera
para di raw madumihan ng pera ang kamay pag nagkomunyon na. astig.

Totoo ang hinala ninyo. mukha silang mga anime. Kakaiba ang mga hairdo nila.
kung hindi lang ako magmumukhang tanga sa pagkuha ng litrato ng bawat
masalubong ko dito, uuwian ko kayo ng litrato para patunayan ko. Kung ano ang
hitsura nila son gokou, samurai x, mga ghost fighter, at pati na rin ang mga
nasa final fantasy, ganun! sakto ang hairdo nila. kakaaliw. minsan nga, gusto
kong hawakan. Kaya ako, nagtatali na rin ng buhok para magmukhang samurai kahit
papano.

mataas ang pitch ng boses ng mga babae dito. siguro after 1 month, mabibingi na
ako. minsan cute pakinggan, minsan nakakairita na. ang taas. paulit
ulit: "arigato gozaimasu ta!" kahit saan ka magpunta. cute yung porter namin.
saka ung kahera sa coffee shop na binilan ko ng bacon and hotdog sandwich--
mukha talagang anime. kaya lang di ko mayayang lumabas kasi di marunong mag-
english.

sa hapon, nanood kami ng american adobo. okay naman siya pero hindi ko
masyadong nagustuhan ang script. tapos nanood kami ng isa pang pelikula: let's
not cry. nakatulog ako sa ilang parts. boring. so far, disappointed ako sa mga
pelikula nila. magaling pa rin ang sa atin. biruin mo, ngalngal ang mga hapon
sa magnifico!

tapos, naglagalag kami ni mo saka ni direk maryo sa mga eski-eskinita na tenjin
sa fukuoka. naghanap kami ng mga bar at tumingin-tingin ng mga exotic na
makakainan. marami rin kaming napuntahan. may isang restoran--or karinderya
kaming napasukan na sobrang sarap nung beef. dun kami nag-inuman tatlo. tapos
chinika kami nung isang waitress. okay lang, cute na rin. marunong siyang mag-
english kaya nakipag-chikahan sa amin. sabi namin naghahanap kami ng bar.
mayroon daw ang kaibigan niya. sasamahan daw niya kami. ayos pala to e...

dinala kami sa morpheus. dalawang liko lang. sobrang liit. medyo boring.
sampung tao lang yata ang kasya. madilim na madilim kaya di ko masabi kung
magaganda ang mga nakasama ko. dun namin tinuloy ang inuman. ano'ng nangyari
dun sa naghatid sa amin? e nagpaalam na, di man lang namin naibili ng drink
bilang pagpapasalamat. mabuti na rin yun, mahirap na at madilim sa bar...

pagdating ko sa hotel room, bagsak ako. kaso, di ako makatulog. lakas humilik
ng roommate ko...

Day 4: september 15

ngayon to. nag-wake-up call si direk ng 9.45. sabi niya, meet daw kami ng
10.10. turbo ligo naman kami at diretso breakfast. nanood kami ng 1st movie of
the day galing vietnam: heaven's nest. alang kalatuy-latuy. maganda pang manood
ng FPJ o lito lapu, este lito lapid pala.

Short lunch lang tapos, dumaan kami sa forum ng asian filmmakers. speaker doon
si direk marilou at ilan pang mga astig na direktor. andun din si majid
majidi...tama ba? ung direktor ng iranian film na children of heaven. pinag-
usapan nila ang state ng asian film industry. grabe pala sa sri lanka ngayon.
10 movies a year lang sila. tapos, 6 out of 10 soft porn pa! wag sanang
mangyari sa pinas.

sa gitna ng forum, natutulog-tulog kami ni mo. so nagdecide kaming matulog muna
saglit. 4:30 ang sumunod na pelikula, perod ako na lang mag-isa nanood dahil
knock-out na si mo. sa wakas, may matino nang pelikula--mouth-organ from india.
isa itong "children's movie na funded ng children's ministry ng india. okey
din. di man nakakaiyak, nakakaaliw at nakatutuwa naman. pero ung hapong katabi
ko, umiiyak. grabe talaga itong mga hapon, iyakin. saka nakwento ko na ba? di
sila umaalis or pumapalakpak hanggat di tapos ang credits? nihindi binubuksan
ang ilaw hanggat di nauubos ang buong closing credits. ganyan nila nirerespeto
ang pelikula dito. at maraming nanonood considering na probinsiya ang fukuoka.
hindi tulad sa atin, libre na nga ang french film fest at cineuropa, nilalangaw
pa rin.

dapat manonood ulit kami ng movie ng 7pm. kaso nagkamali kami ng movie na
pinuntahan. pagpasok namin ni mo, walang english subtitle yung movie. narealize
namin na nasa kabilang movie pala nanood sila direk. e mga 2 blocks away
pa 'yon. kaso late na kami. kaya dumiretso na lang ako dito sa cyber cafe para
magkwento.

so far iyon pa lang ang nangyayari dito sa akin. para ngang gusto ko nang
tumira dito. kaso ano namang gagawin ko dito, di naman ako marunong maghapon.
sana nga may maging girlfriend ako dito kahit for 2 weeks lang para naman may
adventure ako. hindi naman ako bored. actually, nakakaaliw manood ng pelikula,
umatend ng mga presscon, at sumingit sa mga meeting. astig yung id namin.
nakasulat dito?F "valid also for admission to any cinema in fukuoka excluding
AMC 13 in the canal city." biruin mo! kahit anong pelikula pwede! kahit yung
mga hollywood films. kaso me problema, lahat ng hollywood films dito, naka-dub
sa hapon. pestengyawa. kaya sila bobo sa english e.

after 2 days ulit...

x

No comments:

Post a Comment