Tuesday, September 23, 2003

ANG KAGILA-GILALAS NA PAKIKIPAGSAPALARAN NI JUAN EKIS SA JAPAN
Part 5 (KAMAKURA)


Day 11: september 22

lumabas kami ng tokyo. pumunta kami sa probinsiya ng kamakura--ang zen capital ng japan, kundi ng mundo. isang oras ang bihaye sa tren.

kaming tatlo ay papuntang probinsiya at lahat ng tao paluwas, papasok sa opisina. nakakaaliw tignan ang mga tao. ambibilis nila talagang kumilos. nasabi ko na ba?

maghapon kaming naglakad. nakalimutan ko na kung ilang templo mayroon sa kamakura pero tatlo lang ang napuntahan namin sa buong araw. dahil nagkalat talaga ang mga ito sa kabuuan ng probinsiya. bawat isang templo ay may kwento, at may kasaysayan. hindi ko na isusulat dito dahil bukod sa tinatamad na akong magsulat, alam kong tatamarin ka na irng magbasa.

sa unang stop namin, naroon nakaupo ang pinakamalaking buddha sa buong mundo. mahina ako sa sizes pero talagang dambuhala si buddha, nakaupo, nagmemeditate, napakatahimik, napakaaliwalas, pati ikaw, mapapameditate.

pag-uwi ko, nagbabad ako sa mainit na tubig. haaay...sarraaap.

Day 12: september 23

buong araw lang kaming umiikot sa shibuya. naghahanap ng ginto.

komplikado ang bituka ng japan. dalawa ang bitukang gusto kong pasukin--ang bituka-eskinita at ang bitukang subway. komplikadong tignan pero madali rin namang sakyan ang subway system ng japan. hindi nga ito bituka. kung tutuusin, mas malapit ito sa mga ugat, dahil maraming sinusuutan, maraming dinadaanan. actually, intersection siya ng maraming circulatory systems. kailangan mong magtransfer ng ilang ulit para makarating sa pupuntahan mo. imaginin nyo na lang na may MRT na sa alabang, laguna, cavite, at pampangga. tapos pagkrus-krusin ninyo lahat yon kasama ng mga MRT at LRT na meron na tayo. tapos, lagay nyo sa ilalim ng lupa. yun na yon.

sa mga road crossing naman, parang alon ang mga tao lalo na pag nag-green light na. ang gandang tignan. parang yung dagat na hinati ni moses, biglang nagsara. ganun. astig. pinicturan ko nga e. sana mabuo kasi tinaas ko lang yung kamera sabay click. nasa gitna kasi ako ng alon.

uuwi na kami maya-maya...bukas na yun. ayoko pang umuwi kung tutuusin. kundi lang ako na-home sick. at kundi lang sa play ko at sa binding ng thesis ko, di na talaga ako uuwi. papaiwan na ko. tatrabaho na lang ako bilang janitor o kaya waiter. malaki pala ang sweldo. pero mahal din ang bilihin. pero at least, makakatulong ako sa magulang ko di ba? hehehe.

jan nagtatapos ang munti kong adventures dito. sorry at di ko natapos sa mas exciting na note. hindi rin ako nakapagsulat araw-araw dahil sa pagod at sa sikip ng schedule namin. ni hindi nga kami nakapagkita ni alda. tinawagan ko na lang. biruin mo, andito rin pala sha. kung alam ko lang di nakapagkita sana kami nang mas maaga. makabalik pa kaya ako dito?

sigurado akong marami akong na-miss na detalye. ayoko na kasing mag-isip pa ng isusulat. parang nalunod ako, gusto ko munang namnamin.

kita-kits tayo sa pilipinas. sana, masimulan ko na ang nobela at pelikula ko.

x

No comments:

Post a Comment