Sunday, September 21, 2003

ANG KAGILA-GILALAS NA PAKIKIPAGSAPALARAN NI JUAN EKIS SA JAPAN
Part 5 (TOKYO)


Day 8: september 19

I slept in summer and woke up in autumn.

Day 9: september 20

nanood kami sa umaga ng isang french film sa iwanami hall. ang iwanami's daw ay isa sa mga powerful at mayayaman na tao sa tokyo at sobrang patron sila ng arts lalo na ng pelikula. libre kami kasi kaibigan sila ni direk. walang subtitles ang pinanood namin kaya medyo ang hirap sumabay. pero isa lang ang conclusion, magandang pelikula. isa sa mga natutunan ko sa paggawa ng pelikula--ang lengguahe nito ay hindi nakaugat sa mga salita kundi sa mga imahen. isa itong malaking shift para sa akin dahil isa akong nagsusubok na maging writer...

sensha na kung tunog boring na ang mga kwento ko. masyado akong namamangha sa tokyo para isulat pa.

lumindol sa gitna ng pelikula. malakas. kinabahan ako. nangumpisal na ba ako? saan ako tatakbo for cover? e nasa taas kami ng building. pero mas nagulat ako sa mga tao. para wala lang. chika lang. lumindol na nga, chika lang sila. walang nagpanick, walang umalis sa upuan, walang tumili. nagbulungan lang sila at nagpatuloy sa panonood. nakarollers pala ang buildings dito kaya hindi basta-basta gumuguho. saka nga pala, 10 times a week kung lumindol sa japan kaya sa kanila, para ka lang nagkape.

pagkatapos ng sine, pumunta kami sa kabukiza. mahal lahat ng bilihin pero sobrang mahal ng kabuki. nanood kami ng tatlong sunud-sunod na kabuki. 20 minutes lang ang intermission pero ang bilis nilang magbaklas at mag-assemble ng set. grabe na 'to! ang theater nila dito ay 7 days a week. at hindi nauubusan ng audience. talagang nanonood sila. at hindi lang elite kundi masa, pangkista, matanda, bata, lahat! tinatangkilik talaga nila ang sarili nila.

wala na akong masasabi sa kabuki. hapon syempre ang wika pero meron kaming earpiece na annotator in english. nakakaiyak, nakakatawa. ang gagaling umarte. ang gagaling sumayaw. at take note, walang babae sa kabuki! puro lalaki kahit female roles. ang lupet. sana one time makapagdirek din ako ng kabuki.

Day 10: september 21

nakipagkita kami sa kaibigan ni direk na hapon pero marunong mag-inggles at magtagarog--si akira. isa siyang cultural anthropologist, journalist at publisher na sumusulat tungkol sa anthropology ng kusinang asyano. cool kasama. siya ang tour guide namin sa shibuya.

nanood kami ng pelikula ni takeshi kitano. kung nanood kato ng eiga sai sa megamall last week, siya ang featured director. pinanood namin ang "zatoichi" remake niya ng isang legendary film series kung saan binase ang pelikulang "blind fury." isa siyang bulag na samurai pero ang lupet. ayos sa action sequences pero medyo sablay yung blood effects kasi halatang CG. bayolente kaya di papasa sa MTRCB natin. hit siya dito sa japan. nag-enjoy ako kahit wala ulit subtitles.

sa gabi, nilibot namin ang Shibuya. Ito ang Makati version ng tokyo. sangkatutak ang tao. sa fukuoka, pag naglalakad ako sa gabi ng mga alas-diyes, wala na halos tao. dito, andami, parang langgam. ang bibilis pang kumilos. hindi ka pwedeng tumigil dahil maaanod ka nila. at tiyak maliligaw ka pag di mo sinundan si direk. umuulan. andaming payong. pare-pareho pa. lahat magkakamukha maliban sa hairdo. maliligaw ka talaga. mabuti na lang, pinoy lang ang sumisitsit.

nakakapagod maglakad. bukas, marami pa kaming lalakarin.

to be continued...

No comments:

Post a Comment