Saturday, September 13, 2003

ANG MGA KAGILA-GILALAS NA PAKIKIPAGSAPALARAN NI JUAN EKIS SA JAPAN

Day 1: September 12.

Teka, bakit ba muna ako nagpunta sa Japan? Sa mga hindi ko pa nababalitaan,
isinama ako ni Direk Marilou Diaz-Abaya, kasama ang isa pang estudyante niya--
si Mo Zee--para sa Fukuoka International Film Festival. Kami ay bahagi ng
delegation ng Pilipinas na pinangungunahan nina Direk Maryo J. Delos Reyes at
Direk Laurice Guillen. Isinama ako bilang bahagi ng training ko sa paggawa ng
pelikula. Sagot ng Ayala ang lahat ng gastos ko.

Anyways, nababaliw na ako dito kaya kailangan kong magkwento sa inyo...

Dumating kami pasado ala-una sa Fukuoka. Ang fukuoka ay somewhere south of
japan. Isa itong probionsiya. Wala namang pinagkaiba masyado sa Maynila sa
unang tingin bukod sangkatutak ang signs na hapon, bihira ang may translation,
at baligtad ang trapiko (kaliwa ang daan at right hand drive sila.)

Sandali lang kami nakapagpahinga sa hotel dahil pressconference agad. Hindi
naman talaga kami kasali nina direk Marilou, Mo, at ako sa presscon pero
kailangan kaming naroon. Kasama sa presscon sina Direk Maryo para sa kanyang
entry na Magnifico at si direk laurice para sa entry niya na American Adobo.

Pagkatapos ng presscon, party na. haneps talaga ang mga hapon laging on time.
Talagang pinapaalis kami sa venue ng presscon para sa opening movie. Kinukulit
kami ng mga ushers na bilisan para makapagsimula on-time.

Sa party, siyempre, maraming Asian Filmmakers, press, artists, actors, cute na
mga waitress at higit sa lahat...tsibog. So lamon kami ni Mo. Daming toma. toma
kami nang toma. Toma all you can. tapos biglang tinawag ang mga filmmakers isa-
isa. Isa-isa silang nag^bow sa stage. Nagulat na lang ako, biglang tinawag
pangalan ko. Walastek, kasali pala talaga kami, hindi lang kami salimpusa. Eto
bigla kong binitawan ang toma't tsibog ko sabay bow sa stage. wow mehn, sarap
ng feeling, sikat!

Nang bigla na lang, sa gitna ng pagtoma namin, may sumabog sa stage! Napamura
ako sa gulat. Tapos may nagsalita na hapon. Translation ayon kay direk marilou
(she speaks japanese btw) "they're announcing that the party just ended."
Pambihira, pati katapusan ng party, on-time. Punta na raw kami sa sinehan para
sa opening movie.

e di upuan na. sa gitna namin ni mo, si direk marilou. e nakailang toma naba
kami ni mo? pambihira, kalahati ng pelikula, tinulugan ko. pinipilit kong hindi
magpahalata baka mahuli ni direk. muntik na akong humilik. nagpalusot na lang
ako na bigla nasamid at inubo.

Pagkatapos ng pelikula, jumebs ako sa high-tech naming kubeta. May automatic na
taga-hugas. astig talaga dito sa japan.

Day 2: September 13

Pumunta kaming 5(ako, si mo, at yung tatlong direktor) sa Dazaifu at bumisita
sa isang Shinto temple. Unang araw pa lang, mauubos na yata ang film ko. At
puro view ang kinukunan ko hindi tao. Wala pang masyadong cute na chiks kaya
wala pa akong napipicturan maliban dun sa isang "madre" sa shinto services.
cute sha kaya pinicturan ko. Sana may makilala akong cute na filmmaker dito sa
japan. so far, kami pa lang ni mo ang pinakabata sa Eiga Sai (film fest).
Tatlong taon siguro bago ko matutunan ang lengguahe nila.

Nakakailang tumawag sa room service. Hindi mo alam kung naintindihan ka nila.
Basta inuulit ko lang lahat ng order ko. dumarating naman nang tama. Pero hindi
ko talaga sila maintindihan. Kaunti lang ang marunong mag-Inggles. nabobobo
tuloy ako.

Pagbalik namin from Dazaifu, nanood kami ng opening ng Magnifico. Grabe, hindi
ko napigilan, nagbaha ang luha ko. Pero natawa ako, dahil sabay-sabay lahat ng
hapon na naglabas ng panyo at nag-iyakan. The movie was well received. andaming
nagtanong sa Q&A. Maraming hapon ang umiyak. tapos na ang pelikula, Q&A na,
umiiyak pa rin ung katabi ko. At grabe silang rumespeto sa pelikula, walang
tumatayo hanggat di tapos ang credits.

Nakakabadtrip lang pagpunta ko dito sa internet cafe. Walang marunong mag-
english. e iniwan na ako ni direk. hala, bahala na. turo-turo nalang.
Nagpamember ako dito sa Cybac. Astig. multi-media, me sarili kang estasyon.
kumpleto. kaso pag-upo ko, hapon ang sulat sa computer.

Sabi ko sa attendant. pakigawang english. nakngtipaklong, di nya rin alam.
sige, pagtitiyagaan ko na dahil english naman ang website ng edsamail. e di
type ako ng email ko, umalis na yung attendant. nakngtipaklong, hapon ang
lumalabas na characters. tawag ako sa telepono. Naghapon ang kausap ko. sabi
ko, "Can I speak to someone who could speak in english?" sabi niya "no
english..." at binirahan ako ng sangkatutak na hapon. walastik. sabi ko na lang
yeah...sure...whatever...sabay baba ng phone.

Pagkatpos ng ilang sandaling pagkalikot sa settings ng computer, may kumatok na
attendant sa station ko. sa wakas! May pinindot lang na isang button, English
na ulit. Yun lang yon!

kaya eto, nagtatype ako ng kwento dahil baka makalimutan ko pa. Marami pa
actually na mga adventures. Pero baka tamarin ka nang magbasa. Masarap ang
tsibog, natututo na akong kumain ng isda dahil puro sushi, sashimi, etc. dito.
sana, mabuo ang mga pictures dahil hindi automatic dala ko kundi yung manual
kong SLR.

yun lang muna, 1:30 am na dito. (una lang kami ng 1 hour). baka hinahanap na
ako ni direk. sisimba pa bukas ng umaga. Hapon daw ang misa. di bale na.
magkakaintindihan naman kami ni God e.

2 days na ako, wala pa akong nakikitang cute maliban dun sa babaing nag-akyat
ng bagahe namin sa kwarto. tutulungan sana namin ni mo pero wag daw sabi ni
direk, maiinsulto daw sila. sa 18, punta kaming tokyo. baka dun, may makilala
na akong cute.

sa susunod ulit.

x

No comments:

Post a Comment