ANG KAGILA-GILALAS NA PAKIKIPAGSAPALARAN NI JUAN EKIS SA JAPAN
Part 5 (KAMAKURA)
Day 11: september 22
lumabas kami ng tokyo. pumunta kami sa probinsiya ng kamakura--ang zen capital ng japan, kundi ng mundo. isang oras ang bihaye sa tren.
kaming tatlo ay papuntang probinsiya at lahat ng tao paluwas, papasok sa opisina. nakakaaliw tignan ang mga tao. ambibilis nila talagang kumilos. nasabi ko na ba?
maghapon kaming naglakad. nakalimutan ko na kung ilang templo mayroon sa kamakura pero tatlo lang ang napuntahan namin sa buong araw. dahil nagkalat talaga ang mga ito sa kabuuan ng probinsiya. bawat isang templo ay may kwento, at may kasaysayan. hindi ko na isusulat dito dahil bukod sa tinatamad na akong magsulat, alam kong tatamarin ka na irng magbasa.
sa unang stop namin, naroon nakaupo ang pinakamalaking buddha sa buong mundo. mahina ako sa sizes pero talagang dambuhala si buddha, nakaupo, nagmemeditate, napakatahimik, napakaaliwalas, pati ikaw, mapapameditate.
pag-uwi ko, nagbabad ako sa mainit na tubig. haaay...sarraaap.
Day 12: september 23
buong araw lang kaming umiikot sa shibuya. naghahanap ng ginto.
komplikado ang bituka ng japan. dalawa ang bitukang gusto kong pasukin--ang bituka-eskinita at ang bitukang subway. komplikadong tignan pero madali rin namang sakyan ang subway system ng japan. hindi nga ito bituka. kung tutuusin, mas malapit ito sa mga ugat, dahil maraming sinusuutan, maraming dinadaanan. actually, intersection siya ng maraming circulatory systems. kailangan mong magtransfer ng ilang ulit para makarating sa pupuntahan mo. imaginin nyo na lang na may MRT na sa alabang, laguna, cavite, at pampangga. tapos pagkrus-krusin ninyo lahat yon kasama ng mga MRT at LRT na meron na tayo. tapos, lagay nyo sa ilalim ng lupa. yun na yon.
sa mga road crossing naman, parang alon ang mga tao lalo na pag nag-green light na. ang gandang tignan. parang yung dagat na hinati ni moses, biglang nagsara. ganun. astig. pinicturan ko nga e. sana mabuo kasi tinaas ko lang yung kamera sabay click. nasa gitna kasi ako ng alon.
uuwi na kami maya-maya...bukas na yun. ayoko pang umuwi kung tutuusin. kundi lang ako na-home sick. at kundi lang sa play ko at sa binding ng thesis ko, di na talaga ako uuwi. papaiwan na ko. tatrabaho na lang ako bilang janitor o kaya waiter. malaki pala ang sweldo. pero mahal din ang bilihin. pero at least, makakatulong ako sa magulang ko di ba? hehehe.
jan nagtatapos ang munti kong adventures dito. sorry at di ko natapos sa mas exciting na note. hindi rin ako nakapagsulat araw-araw dahil sa pagod at sa sikip ng schedule namin. ni hindi nga kami nakapagkita ni alda. tinawagan ko na lang. biruin mo, andito rin pala sha. kung alam ko lang di nakapagkita sana kami nang mas maaga. makabalik pa kaya ako dito?
sigurado akong marami akong na-miss na detalye. ayoko na kasing mag-isip pa ng isusulat. parang nalunod ako, gusto ko munang namnamin.
kita-kits tayo sa pilipinas. sana, masimulan ko na ang nobela at pelikula ko.
x
Tuesday, September 23, 2003
Sunday, September 21, 2003
ANG KAGILA-GILALAS NA PAKIKIPAGSAPALARAN NI JUAN EKIS SA JAPAN
Part 5 (TOKYO)
Day 8: september 19
I slept in summer and woke up in autumn.
Day 9: september 20
nanood kami sa umaga ng isang french film sa iwanami hall. ang iwanami's daw ay isa sa mga powerful at mayayaman na tao sa tokyo at sobrang patron sila ng arts lalo na ng pelikula. libre kami kasi kaibigan sila ni direk. walang subtitles ang pinanood namin kaya medyo ang hirap sumabay. pero isa lang ang conclusion, magandang pelikula. isa sa mga natutunan ko sa paggawa ng pelikula--ang lengguahe nito ay hindi nakaugat sa mga salita kundi sa mga imahen. isa itong malaking shift para sa akin dahil isa akong nagsusubok na maging writer...
sensha na kung tunog boring na ang mga kwento ko. masyado akong namamangha sa tokyo para isulat pa.
lumindol sa gitna ng pelikula. malakas. kinabahan ako. nangumpisal na ba ako? saan ako tatakbo for cover? e nasa taas kami ng building. pero mas nagulat ako sa mga tao. para wala lang. chika lang. lumindol na nga, chika lang sila. walang nagpanick, walang umalis sa upuan, walang tumili. nagbulungan lang sila at nagpatuloy sa panonood. nakarollers pala ang buildings dito kaya hindi basta-basta gumuguho. saka nga pala, 10 times a week kung lumindol sa japan kaya sa kanila, para ka lang nagkape.
pagkatapos ng sine, pumunta kami sa kabukiza. mahal lahat ng bilihin pero sobrang mahal ng kabuki. nanood kami ng tatlong sunud-sunod na kabuki. 20 minutes lang ang intermission pero ang bilis nilang magbaklas at mag-assemble ng set. grabe na 'to! ang theater nila dito ay 7 days a week. at hindi nauubusan ng audience. talagang nanonood sila. at hindi lang elite kundi masa, pangkista, matanda, bata, lahat! tinatangkilik talaga nila ang sarili nila.
wala na akong masasabi sa kabuki. hapon syempre ang wika pero meron kaming earpiece na annotator in english. nakakaiyak, nakakatawa. ang gagaling umarte. ang gagaling sumayaw. at take note, walang babae sa kabuki! puro lalaki kahit female roles. ang lupet. sana one time makapagdirek din ako ng kabuki.
Day 10: september 21
nakipagkita kami sa kaibigan ni direk na hapon pero marunong mag-inggles at magtagarog--si akira. isa siyang cultural anthropologist, journalist at publisher na sumusulat tungkol sa anthropology ng kusinang asyano. cool kasama. siya ang tour guide namin sa shibuya.
nanood kami ng pelikula ni takeshi kitano. kung nanood kato ng eiga sai sa megamall last week, siya ang featured director. pinanood namin ang "zatoichi" remake niya ng isang legendary film series kung saan binase ang pelikulang "blind fury." isa siyang bulag na samurai pero ang lupet. ayos sa action sequences pero medyo sablay yung blood effects kasi halatang CG. bayolente kaya di papasa sa MTRCB natin. hit siya dito sa japan. nag-enjoy ako kahit wala ulit subtitles.
sa gabi, nilibot namin ang Shibuya. Ito ang Makati version ng tokyo. sangkatutak ang tao. sa fukuoka, pag naglalakad ako sa gabi ng mga alas-diyes, wala na halos tao. dito, andami, parang langgam. ang bibilis pang kumilos. hindi ka pwedeng tumigil dahil maaanod ka nila. at tiyak maliligaw ka pag di mo sinundan si direk. umuulan. andaming payong. pare-pareho pa. lahat magkakamukha maliban sa hairdo. maliligaw ka talaga. mabuti na lang, pinoy lang ang sumisitsit.
nakakapagod maglakad. bukas, marami pa kaming lalakarin.
to be continued...

Subscribe to:
Posts (Atom)