Gabay sa Murang Pagbabalot ng Regalo
(para sa mga nagtitipid)
MGA MATERYALES:
1 Kahon
1 Lumang panyo o t-shirt na bigay ng ex-girlfriend
Mga lumang sulat ng ex-girlfriend
Scotch tape
1 Gunting
1 Pala
1 Krus na kahoy
MGA HAKBANG SA PAGBABALOT:
Isilid ang regalo sa pinakatagong sulok
Ng kahon
Lakipan ng luha
Bago takpan ng paglimot.
Tiyaking walang hanging papasok,
Hindi dapat matuyo ang luha bago mo isara
Upang manatiling sariwa sa alaala
Ang regalong padala.
Pilasin ang mga lumang sulat
Itira ang matatamis na tayutay at talinghaga
Saka ibalot nang marahan at buong pagmamahal
Sa kahon.
Gumupit ng kapi-kapirasog scotch tape,
Mariing idikit sa kahon ang mga sulat
Upang di makatakas
Ang luhang nagpupumiglas
Makalabas.
Balutin ng panyo o t-shirt na bigay niya noong Pasko,
Buhulin ang mga dulo:
Isiping ikaw ang regalong binabalot mo.
Pagkatapos,
Humukay ng may anim na dipa sa likod ng iyong bakuran
Doon ilibing ang regalong binalutan
Saka mo tabunan
Ng mga bagong alaala.
Tarakan ng krus ang pinaglibingan
Saka mo iukit ang kanyang pangalan.
13 Dec 2005
Wednesday, December 14, 2005
Wednesday, October 12, 2005
Hinaing kay Inay
(Kay Nanay Maria)
Sabi mo,
Pinipitas lang ang mga bituin
Sa kisameng langit ng dilim.
Naniwala ako sa mga habi mong oyayi
Habang pinapasuso mo ako ng mga panaginip.
Sabi mo,
Maaaring laruin ang ningning
Ng mga musmos kong daliri.
Sumampalataya ako sa iyong talinghaga
Habang pinipikpikan mo ang aking pangamba.
Sabi mo,
Ako’y lalakíng bulas
Kapag inulam ko ang mga munting liwanag.
Idinuyan mo ang aking pagpalahaw
Upang maisubo ko ang iyong pangaral.
Sabi mo.
Sabi mo.
Ngunit hindi mo sinabing
Ang kisame’y abot lamang ng mahaba mong bisig,
Na ang tala’y hindi malalaro ng aking titig,
Na kailangan muna itong tunawin sa bibig.
Hindi mo sinabing
Ang mga kwento mo’y para lamang patulugin
Ang haraya kong nag-aapurang gumising.
05 October 2005
Oyayi ng Ina sa Naghihinaing na Anak
Tahan na, meme na
Bunsong dilat kung managinip.
Batid kong balang araw ay hahaba ang iyong bisig
At mabubuo ang paninindigan ng tuhod mong nanginginig.
Naniniwala ka sa hindi mo nasisilip
Dahil sa mga sinuso mong panaginip.
Tahan na, meme na
Anak na maligalig.
Matututo ka ring maglakad nang pikit-mata
At malalaman mong hindi lahat ay kailangang makita.
Hindi mo ba nadadalumat sa tapik ng aking palad
Na mas mahiwaga sa pagtingin ang paghawak?
Tahan na, meme na
Supling na sinisikmura.
Alam kong gutom ang iyong diwa
Sa tulang hindi nauubusan ng talinghaga.
Ngunit wala pang ipin ang gilagid ng isip
Kailangang tunawin sa laway ang pagkainip.
Tahan na.
Meme na.
Nababasa ko ang bawat mong uha.
Hindi ka pa dumaraing, alam na ng iyong Ina.
Tahan na, bunso.
Itatago ko ang iyong puso
Sa magkapatong kong palad.
Meme na anak.
Iduduyan ko ang iyong pagtangis
Sa magkayakap kong mga bisig.
Tahan na.
Meme na.
Ihiga ang haraya sa aking kandungan
Dahil bukas paggising, sasanib ito sa kalawakan

Thursday, July 07, 2005
SAIS coming this AUGUST
I finally finished working on the script of the 11th Kultura play called "SAIS." Rehearsals have started and I am so excited to work with the new talents of the University as well as the veterans. This play is actually more inspired than adapted from the Pirandello play "Six Characters in search of an Author."
This will probably be my last play for a long time as I take a sabattical from writing plays...unless of course something comes up that I will have to write to pay for my rent.
The play may be weird for some people as I will be tackling my own writing process and my beliefs about art and theater in this play. The story goes--five characters from my old plays arrive at rehearsals to stop my supposed "last play."
I haven't written the ending but it's all in my head already. The cast and crew are in the dark as well about how the play will end. This should be a very interesting experiment.
TWENTY QUESTIONS
I'm still working on leaving for London to take a Masters in Scriptwriting or Filmmaking. So before I leave, if Carlos is not staging this for Every Man Productions, I shall be staging it myself somewhere in ortigas. I just need to find the money to pay for the place...If I had a house here, I'd stage it in the bedroom. The staging of this play has long been overdue. If only I had a peso every time this play is forwarded in the internet, I would have the money to stage it.
Hint...hint. For those who enjoyed reading it...baka gusto ninyo akong pondohan. :)

Tuesday, May 10, 2005
return from hell
finally, i decided to resurrect this blog. if i am to find my muse, i must at least force myself to write.
SAIS
my last two plays were all bitter and heartless: May Day Eve and Clytemnestra. Another heartless and more intellectual masturbation play is coming this August courtesy of Kultura--SAIS. My adaptation of Luigi Piradello's Six Characters in search of an Author. Darn. Act one is due Monday and all I have written are three pages which I will probably throw out the window.
TWENTY QUESTIONS
To all the people who's been waiting to see the first official staging of this infamous play, let's hope the July staging pushes through. Carlos Cariño of every man directs it but he's having problems with casting and marketing it.
Twenty Questions is finally going to see light in print. Someone from the Cavite State University is publishing it as part of a text book. Damn. I'm now in a text book. Funny that the Filipino teacher who taught me poetry never approved of textbooks. I wonder what he's gonna say when he sees my name in print. Hell, I could use the money. And argue with me to death but I believe high school students should read it. IT'S STILL COOL TO BE A VIRGIN godamit!
MOVIES
Watch out for Kangkong Jam's upcoming flicks. Filming starts next month. For updates, visit our blog.

Tuesday, September 23, 2003
ANG KAGILA-GILALAS NA PAKIKIPAGSAPALARAN NI JUAN EKIS SA JAPAN
Part 5 (KAMAKURA)
Day 11: september 22
lumabas kami ng tokyo. pumunta kami sa probinsiya ng kamakura--ang zen capital ng japan, kundi ng mundo. isang oras ang bihaye sa tren.
kaming tatlo ay papuntang probinsiya at lahat ng tao paluwas, papasok sa opisina. nakakaaliw tignan ang mga tao. ambibilis nila talagang kumilos. nasabi ko na ba?
maghapon kaming naglakad. nakalimutan ko na kung ilang templo mayroon sa kamakura pero tatlo lang ang napuntahan namin sa buong araw. dahil nagkalat talaga ang mga ito sa kabuuan ng probinsiya. bawat isang templo ay may kwento, at may kasaysayan. hindi ko na isusulat dito dahil bukod sa tinatamad na akong magsulat, alam kong tatamarin ka na irng magbasa.
sa unang stop namin, naroon nakaupo ang pinakamalaking buddha sa buong mundo. mahina ako sa sizes pero talagang dambuhala si buddha, nakaupo, nagmemeditate, napakatahimik, napakaaliwalas, pati ikaw, mapapameditate.
pag-uwi ko, nagbabad ako sa mainit na tubig. haaay...sarraaap.
Day 12: september 23
buong araw lang kaming umiikot sa shibuya. naghahanap ng ginto.
komplikado ang bituka ng japan. dalawa ang bitukang gusto kong pasukin--ang bituka-eskinita at ang bitukang subway. komplikadong tignan pero madali rin namang sakyan ang subway system ng japan. hindi nga ito bituka. kung tutuusin, mas malapit ito sa mga ugat, dahil maraming sinusuutan, maraming dinadaanan. actually, intersection siya ng maraming circulatory systems. kailangan mong magtransfer ng ilang ulit para makarating sa pupuntahan mo. imaginin nyo na lang na may MRT na sa alabang, laguna, cavite, at pampangga. tapos pagkrus-krusin ninyo lahat yon kasama ng mga MRT at LRT na meron na tayo. tapos, lagay nyo sa ilalim ng lupa. yun na yon.
sa mga road crossing naman, parang alon ang mga tao lalo na pag nag-green light na. ang gandang tignan. parang yung dagat na hinati ni moses, biglang nagsara. ganun. astig. pinicturan ko nga e. sana mabuo kasi tinaas ko lang yung kamera sabay click. nasa gitna kasi ako ng alon.
uuwi na kami maya-maya...bukas na yun. ayoko pang umuwi kung tutuusin. kundi lang ako na-home sick. at kundi lang sa play ko at sa binding ng thesis ko, di na talaga ako uuwi. papaiwan na ko. tatrabaho na lang ako bilang janitor o kaya waiter. malaki pala ang sweldo. pero mahal din ang bilihin. pero at least, makakatulong ako sa magulang ko di ba? hehehe.
jan nagtatapos ang munti kong adventures dito. sorry at di ko natapos sa mas exciting na note. hindi rin ako nakapagsulat araw-araw dahil sa pagod at sa sikip ng schedule namin. ni hindi nga kami nakapagkita ni alda. tinawagan ko na lang. biruin mo, andito rin pala sha. kung alam ko lang di nakapagkita sana kami nang mas maaga. makabalik pa kaya ako dito?
sigurado akong marami akong na-miss na detalye. ayoko na kasing mag-isip pa ng isusulat. parang nalunod ako, gusto ko munang namnamin.
kita-kits tayo sa pilipinas. sana, masimulan ko na ang nobela at pelikula ko.
x

Subscribe to:
Posts (Atom)