Tanghaling tapat noon kaya akala ko’y iniwan niya ako. Mag-isa kong tinatahak ang mainit at mabatong kalsada. Isang pagtutumbalikan ang mga ganoong sandali: nagtutunggali ang init at alisangsang ng paligid—ang sumisingaw na usok sa mga batong nagkalat sa daan, ang kahungkagan ng kalsada’t kawalan ng mga punong masisilungan, ang kawalang-hanggan ng abot-tanaw na kulay araw magmula sa’king talampakan hanggang sa kanyang sinapupunan—at ang lamig ng paglalakbay sa ganitong paligid…nang nag-iisa.
Malakas ang hangin ngunit mainit at tuyo. Nangungutya ang hampas nito sa aking pisngi at imbis na pawiin ang uhaw ng aking balat, lalo itong nang-aasar upang mapikon ang aking balat at lumuha ng pawis—na imbis na makapawi rin ng uhaw ay nakadaragdag sa alisangsang ng paligid, sa pandidiri ko sa sarili at sa pakiramdam kong di-mapakali. Sa mga ganitong sandali, lalo ko siyang hinahanap.
Dahil nang magsimula akong maglakbay ay siya ang aking sinusundan. Di ko man tiyak ang aming patutunguhan ay sa kanya ko ipinagkatiwala ang landas ng aking mga talampakan. Bulag kong inaapakan ang kanyang mga bakas at buong pagtitiwalang sinusundan ang landas na siya lamang ang nakaaalam.
Nang magsimula kaming maglakbay ay malamig ang simoy at ramdam mo ang halik ng hamog. Ngunit mainit ang pakiramdam sapagkat dalawa kaming naglalakbay. Hindi tulad ngayong nagtatayuan ang aking mga balahibo sa lagkit ng pawis at lamig ng sikmura. Sa sikmura ko nga ba ito nararamdaman? Noon, sinusundan ko ang bawat hakbang niya, ang bawat liko, ang bawat iwas sa lubak, ang bawat pagtawid sa mga lansangang nagkukrus at mga nagsasangang-daan. Bulag ako. Siya ang aking mata.
Tanghaling tapat noon kaya akala ko’y iniwan niya ako. Nang namalayang kong buhat-buhat pala niya ako sa aking buong paglalakbay sa katanghaliang-tapat. Buhat niya ang bawat hakbang ko patungo sa kung-saan. Naibsan ang lamig ng aking sikmura nang matanto kong hindi pala ako nag-iisa.
Saan ba tayo pupunta? Hindi niya ako sinasagot o marahil hindi lang ako nakikinig nang tama. Ngunit ramdam ko na ang sagot niya sa aking mga tanong ay hindi na dapat sinasabi pa. Ang pagbuhat niya sa aking mga yapak ay sapat nang sagot sa misteryoso naming paglalakbay. Lubos ang aking pagtitiwala sa kanya. Mula nang umagang kami’y nagsimula—nang siya’y nasa aking harapan, hanggang sa tanghaling buhat niya ang aking mga paa. Marahil ayaw niya akong mapagod sa aming napakahabang paglalakbay.
Kahit kailan ay hindi ako lumingon sa aking pinanggalingan. Sabi nila’y hindi raw makararating sa paroroonan ang mga gayon. Ngunit ang paglalakbay na ito ay pasulong lamang. Walang puwang sa paglingon, sapagkat ang bawat hakbang ay pagtitiwala lamang sa aking sinusundan noong umaga, at sa bumubuhat sa akin noong tanghali. Ang paglingon ay pagdududa sa mga likong kanyang tinahak para sa akin. Ang paglingon ay pagkuwestiyon sa kanyang mga desisyon. Ang paglingon ay kawalan ng utang na loob.
Kulay pula na ang kalsadang pinaglalatagan ng aking mga yabag. Mas malakas na ang ihip ng hangin—parang buntong-hininga ng pagod na araw. Tanda ito ng kanyang pagpapaalam at antok. Lalong lumamig ang aking sikmura nang matanto kong wala na ang bumubuhat sa aking mga yapak.
Iniwan niya ako nang tuluyan. At dama ko ang lamig ng pag-iisa. Ngayon ay di ko alam kung saang landas ako tutungo, kung saang kalsada liliko, kung aling kalye ang tatawiran at kung aling daan ang iiwasan. Ngunit patuloy ako sa ‘king paglalakbay nang hindi alam kung saan ako tatahan.
Binalutan ako ng takot, pangamba, at pagdududa sa aking naging paglalakbay. Saan niya ako dinala? Bakit niya ako biglang iniwan? Siya na pinagkatiwalaan ko ng aking mga paa, siya na pinagkatiwalaan ko ng aking mga mata, siya na gabay ko, na init ng aking sikmura. Pero nasaan siya? Wala.
Sa paglalakbay kong pasulong lamang, kung saan ang paglingon ay pagbawi ng pagtitiwala, lumingon ako. At sa aking paglingon, nakita ko siyang tinutulak ang aking mga paa sa daan na dapat kong apakan. Tumigil siya ngunit patuloy ako sa paglalakad. Agad akong nagtaka. At sa muli kong paglingon, ako’y nahulog sa bangin na hanggang ngayo’y hindi ko pa nararating ang kaila-ilaliman.
Showing posts with label short story. Show all posts

Thursday, May 13, 2010
Monday, February 15, 2010
Virtual
Dialing…
Connected…
Verifying username and password…
Logging on to network…
***Connecting to amsterdam.nl.eu.undernet.org (6669)
-
local host: anakin (127.0.0.1)
-
PING? PONG!
/j #teenchat…
[celine] hay naku na conscious me tuloy nakasando me ksi eh rt now
[anakin] hahahahahah
[celine] n shiorts=)
[anakin] parang nakikita kita diyan...nakupo naiinitan na ko
[anakin] ano ginagawa mo?
[celine] nakaupo
[celine] chatting
[celine] nakacrosslegs....hihihi y ba??
[anakin] i can imagine...
[celine] really???then??
[celine] wat u feel abt it?
[anakin] hot...
[anakin] it's hot here u know...
[celine] y???
[anakin] because i'm chatting with a hot babe...?
[celine] so im a hot babe for u ganun?
[celine] wat made me "hot" naman?
[celine] yung totoo
[anakin] fishing ka naman e
[celine] totoo ah
[anakin] fishing ka naman e
[celine] b specific a
[celine] cge na noh
[anakin] cno pa kachat mo ngayon?
[celine] kaw na lng e
[anakin] everything...the way you chat
[celine] y ???
[anakin] well it makes me feel comfortable...para bang okay lang magsalita ng kung anu-ano
[celine] sus, ayaw mong aminin na u saw me na sa skul e.
[anakin] really?
[celine] yeah, my friends told me you used to stare at my
[anakin] what?
[celine] 34 is not big
[anakin] ??? pinagpapawisan na ako rito
[celine] ok ok
[celine] wat u want me to do ba rt now ha?????
[anakin] ikaw?
[celine] as in kahit ano
[celine] oo......
[anakin] ano?
[anakin] ano ba gusto mong hilingin ko?
[anakin] ano ba gusto mong hilingin ko?
[celine] what do you want me to do ever since the first time u saw me ba?
[anakin] a lot of things
[celine] like what?
[celine] wag ka nang mahiya…anything
[anakin] naughty e…
[celine] kaw ha…hihihihi…c'mon tell me

[anakin] whew! pucha!
*celine crosses her legs, hihihihi
[celine] ano ba tagal mong sumagot…what do you want ba?
[anakin] ang init dito ah
[celine] oo nga eh hihihi…nakasando na nga lang me eh and shorts…hot hot hot
[celine] m sweating hard
[anakin] lalo na ko
[celine] tagal mo namang magreply
[celine] tagal mo namang magreply
*celine takes off her sando…its so hot in here!
Alas tres na ng madaling-araw. Patay ang ilaw sa kuwarto ni Michael at tulog na ang bawat sulok ng bahay nila. Tanging ilaw ng monitor niya ang nagbibigay liwanag sa kanyang kuwarto. Wala kang maririnig na ingay kundi ang musika ng lumubog-umahon na mga tiklado ng keyboard ng kanyang computer. Para silang may binubuong padron. Parang may sistema. Parang may siklo o kung anumang kumbinasyong nabubuo na kung mga tiklado lamang ng piyano ang tinitipa ni Michael ay isang Bach siguro ang maririnig. Hindi, mabilis pa kay Bach. Mozart siguro. Hindi. Mabilis pa--Czerny. Parang nag-uunahan ang mga nota (kung nota man) sa paglubog at muling pag-angat sa tikladong iisa ang tunog. Para silang may hinahabol.
Hindi mapakali si Michael. Kanina pa siyang alas tres ng hapon on-line at hindi pa niya inaabutan si Celine. Limang araw na niyang inaabangan si Celine sa undernet. Hindi pa ito nagpapakita sa kanya.
Hindi naman siya adik sa chat. Para nga sa kanya, isa itong walang kawawaang bagay. Bakit pa mag-uusap sa internet e pwede naman sa telepono? Mas maganda pa nga sa telepono dahil may maririnig kang boses. Sabi naman ng kaibigan niyang si Lloyd, mas okey na rin sa internet dahil hindi mo na kailangang magbayad ng long distance kung taga-America ang ka-chat mo. Ang sabi naman ni Michael, bakit ka makikipag-chat sa taga Amerika kung di ka naman makikipag-eyeball? Mabuti nang taga-pinas, posible pa kayong magka-eyebolan. Kung suswertehin ka pa at maganda, e di makakakana ka pa.
Sinubukan lang naman niya. One shot deal lang. Wala namang mawawala. Wala ngang nawala--limang araw lang naman siyang nagpupuyat at nag-aabang:
/whois celine
-there's no such nick
Hinalughog na niya ang lahat ng posibleng chatrooms sa undernet. Wala siyang makita. Baka nagpalit ng nick(name)? Baka iniiwasan siya? Baka tinataguan siya? Sa ibang server kaya? Sa Dalnet? Sa Chatpinoy? Ilang libo ba ang server sa mundo? Hindi pa naging adik nang ganito sa computer si Michael. At ngayon, mabaliw-baliw na siya sa pagtugtog ng musika ni Czerny sa kanyang tikladong iisa lang naman ang notang tinutugtog.
Kalokohan lang ang pakikipagchat sa internet. Ito ang dati niyang paniniwala. Pag-uubos lang ng oras. Pwede mo namang kausapin ang tao nang harapan. Pwede namang sa telepono. Para kay Michael, ang internet ay para sa mga torpe, at insecure. Para ito sa mga walang tiwala sa sarili: sa mga takot magpakita ng tunay nilang anyo dahil baka hindi magustuhan ng kausap. Para ito sa mga takot magparinig ng boses dahil baka magtunog malandi, o magaralgal o hindi kakau-kausap. Para ito sa mga walang tiwala sa sarili kaya lumilikha sila ng mga virtual nilang kaakuhan. Lumilikha sila ng mga virtual na hitsura, virtual na anyo gamit ang mga salita--gamit ang kapangyarihan ng malayang diwa at ang kapangyarihan ng makabagong daigdig na nabubuhay sa makabagong teknolohiya.
Ang argumento naman ni Lloyd, high-tech na raw ngayon. Maaari kang magpadala ng litrato mo sa net. Pwede nga kayong mag-usap na may boses kung high-tech ang modem mo. Pwede ring kayong magkakitaan kung may kamera ang computer mo. Maraming pwedeng gawin. Makapangyarihan ang computer.
Ngunit para kay Michael, panlilinlang ang lahat ng iyan. Dahil ang computer ay likha lang ng tao, kaya niya itong manipulahin. Kaya niya itong paglaruan. Kaya niya itong dayain. Kaya nitong dayain ang itsura mo sa litrato o sa video. Kaya nitong palitan ang boses mo. Pwede mong ngang palitan ang lugar na pinagmumulan mo para hindi ka ma-trace. Pwede mong palitan ang pangalan mo, ang lahat ng impormasyon tungkol sa'yo. Dahil sa makabagong teknolohiya, maaari kang lumikha ng virtual na ikaw. Mas perpektong ikaw: mas matikas, mas maputi, mas may hitsura, mas kaakit-akit sa maraming tao. Kaya mong likhaing muli ang iyong sarili sa pamamagitan ng computer.
Pero susubukan lang naman niya. One shot deal lang. Wala namang mawawala.
Please wait while your computer shuts down…
It is now safe to turn off your computer.
Si Lloyd ang may pakana ng lahat ng ito.
Hacker si Lloyd. Papalit-palit ng account. Paiba-iba ng nick names para di makilala at di matuklasan. Araw-araw, laman si Lloyd ng internet. Gabi-gabi ay nakatambay siya sa lahat ng chatrooms ng undernet. Sikat na si Lloyd sa undernet bilang si Agimat--ang pinakamatinik na hacker sa undernet. Wag kang magkakamaling makipag-away sa kanya kung ayaw mong mabura ang laman ng computer mo. Wag kang magkakamaling pagtripan siya kung ayaw mong lamunin ng virus ang sistema mo.
Pero kapag babae ang kausap ni Lloyd, agad siyang nagpapalit ng pangalan para di makilala. Naging siya na si machismo, si adonis88, si razor ramo, si hunk69, si bret hart, si brad pitt, si alicia silverstone, oo alicia. Gumamit na rin siya ng sangmilyong pangalan ng babae kapag trip niyang manggago ng mga lalaking chatters.
“Pare minsan may naka-chat akong Australian. Tol, nagpadala sa akin ng picture. Pre ang ganda. Tamang-tama, pupunta siya dito sa Pinas sa isang buwan dahil may pinsan daw siya dito. Nagyayang mag-eyebolan kami.”
“Talaga?”
“Oo tol. Sige, magpaka-skeptic ka diyan. Tingnan mo ako, makakadale pa ng Australian. Wala namang mawawala sa 'yo e. Subukan mo lang. Kung di mo magustuhan e di tigilan mo. Pero sinasabi ko sa'yo pag nasimulan mo na…di ka na titigil.”
Pinahiram siya ni Lloyd ng ghost account para makakunekta sa mIRC. Pinagamit din siya ng jammer para huwag mahuli kung saan siya nanggagaling. “Subukan mo lang 'tol,” sabi ni Lloyd. “Walang mawawala.”
Ganito siguro ang maadik sa droga: isang subok lang. One shot deal. Tapos, tapos na. Hindi na uulit. Pero pag nagustuhan mo…hindi mo na tatantanan. Wala namang mawawala.
Limang araw na ang nakakaraan nang unang makatagpo ni Michael si Celine. Anakin ang nickname na ginamit niya. Nagsimula silang mag-usap tungkol sa Star wars. Nalibang siya. Napasarap ang usapan nila. Mas madali ka palang nakapaglalabas ng mga gusto mong sabihin kapag lumalabas ka sa sarili mo at inihaharap mo sa ibang tao ang virtual na ikaw. Wala kang pakialam kung ano ang masabi mo. Wala kang pakialam kung korni o boring o bastos na ang mga pinagsasabi mo sa kausap mo. Wala naman kasing tono ang tinig mo…walang maling tinig at himig. Walang tonong nag-iimpose, o nagagalit, o nagdidikta, o mahiyain, o torpe, o kung ano pa. Basta usap lang nang usap. Hindi naman niya makikilala ang tunay na ikaw. Sapat nang magkakilanlan ang mga virtual na sila sa virtual na daigdig.
Lumalim lalo ang pag-uusap nila. Napunta sa ibang mga pelikula. Napunta sa mga tagalog na ST films. Mahilig raw si Celine na manood ng gano'n. Saan ka makakakita ng babaeng mahilig manood ng gano'n? Walang babaeng nasa matinong isip niya ang garapalang magsasabi ng gano'n sa harap ng lalaki. Ngunit may kaharap nga ba talaga siyang totoong lalaki? O totoong tao? Mula doon, lumalim na nang lumalim ang usapan nila…palalim na nang palalim…malalim na malalim…
Nagsisimula nang maintindihan ni Michael ang ibig sabihin ni Lloyd. Nagsisimula na siyang mag-enjoy sa matalik na pag-uusap nila ni Celine. Nagsisimula na niyang marinig ang matulin at kaaya-ayang concerto ni Czerny. Hindi lang pala pag-uusap ang magagawa mo sa IRC. Pwede ring kumilos. Pwedeng gumalaw. Lalong luminaw kay Michael ang kaakuhan ng virtual na siya. At gamit ang virtual na siya, unti-unti na niyang nakikita ang virtual na si Celine. Naging mas matalik ang kanilang pagkikita. Lalong nadama ni Michael ang katotohanan ng pag-uusap nilang iyon. Lalong lumilinaw sa kanyang totoo niyang katabi si Celine. Sinimulan niyang hawakan ang kamay nito. Unti-unti silang nagkalapit sa isa't-isa. Mas malapit…malapit na malapit hanggang sa maamoy ni Michael ang hininga ni Celine na amoy anghel…Ano yon, Victoria's Secret Garden? Angel's Breath? Hindi…mas mabango pa.
Ngunit may naaamoy nga ba siyang talaga?
Nilalamon ng liwanag ng mata ni Celine ang paningin ni Michael. Dahan-dahang naglalapat ang kanilang mga labi hanggang sa magkapalitan na sila ng matatamis nilang laway at hiningang umuusok sa lamig. Nararamdaman ni Michael ang katawan ni Celine na nakayakap sa kanya, hinuhubad ang suot niyang malamig na hanging ihip ng kanyang aircon.
Ngunit may nakikita nga ba siya? May nararamdaman nga ba? May nalalasahan? Nag-aapoy ang lahat ng kanyang mga pandama kahit alam niyang hindi niya ginagamit ang lahat ng ito. Nasa mundo siya ngayon kung saan maaaring magpakasenswal samantalang hindi naman nakikipagtalik sa daigdig ang kanyang mga pandama.
Ngunit sa gitna ng pag-aapoy ng sariling lunggati ni Michael, sa kainitan ng mga nagliliyab na nota ng piyesa ni Czerny, parang si Cinderella na inabutan ng alas dose si Celine:
[celine] sorry gtg na…bye
[anakin] wait! wait…
[anakin] u still there?
***celine has quit irc (leaving)
Wala ngang nawala--limang araw lang naman siyang puyat at mabaliw-baliw sa pag-aabang sa kanyang cybergirlfriend.
Alas tres y media na. Halos mamaga na ang kanyang mga mata. “Tangina Celine nasa'n ka? Eight o'clock pa pasok ko bukas!”

Kailangan niyang matulog kahit sandali. Kailangan niyang umidlip kahit hindi siya inaantok. Kailangan niyang magpahinga. Kialangan niya ng kahit na konting lakas para sa klase bukas. Pero laman ng utak niya si Celine. Pa'no kung mag-online siya ng alas kuwatro, alas singko, alas sais? Hindi naman siguro. May pasok din siguro yon at maagang natulog. Paano kung wala siyang pasok? Ilang oras na lang ang maaari niyang itulog at puno pa rin ng kung anu-ano ang utak ni Michael. Kung pwede lang i-shutdown ang utak! Shut down na! Shut down na! Ctrl-Alt-Delete! Ctrl-Alt Delete! Ah Celine! Shut down!
Para makatulog, nagpatugtog siya ng CD ni De Bussy: Claire de Lune.
Alas otso y media na siya nakapasok. Thirty minutes late na naman siya sa kanyang klase: History of Music. Muntik na siyang hindi papasukin ng titser sa classroom. Buti na lang at napagkamalan siyang nag-CR lang.
“Philippe de Vitry is a French theorist and composer who is best remembered for his treatise entitled Ars Nova, written sometime between 1316 and 1325.” Nagdidikta na naman ng notes ang teacher niya. At ang wirdo pa niyan ay kailangan nilang gumawa ng 5-page reaction paper tungkol sa lecture-kuno na dinikta lang naman ng titser niyang otsenta anyos na yata.
“It is the first treatise containing the first prohibition of parallel fifth or consecutive fifth. He introduced other time values such as the long, verve, semi-verve, and smaller note values.”
Kelangan ni Michael gumawa ng reaction paper. Yun lang ang nakaprogram sa utak niya. Pero hindi nakakundisyon ang utak niyang mag-isip, sumang-ayon, o kumontra sa sinasabi nung titser. Reaction, shet, reaction, 5 pages pa! Ni hindi pumapasok sa utak niya ang lecture na nagaganap. Walang nagrerehistro sa mata niya, sa utak niya. Parang computer na naghang ang utak niya. Wala siya sa classroom na 'to. Nasa harap ulit siya ng kanyang computer. ?PING. !PONG. Welcome to undernet. Please type /motd to view the message of the day. W sets +i to anakin. /Whois celine. Celine. There is no such nick. /Join #pinoychat. Celine r u der? /Join #chatmanila. Celine r u der? /j #teenchat /Join /Join /Join /Whois /Whois /Whowas /Whowas there is no such nick, no such nick, no such nick demmit, kulit mo no such nick nga e…wala dito…wala, Celine is dat u? Nope sorry /Whois !PING !PING wala dito nope nope not here! Anakin was kicked by Obi-wan (why do you keep on askin for celine) CELINE WER R U? CELINE WER R U? CELINE WER R U? CELINE WER R U? CELINE WER R U? Anakin was kicked by W, (excess flood). Please wait while your computer shuts down…It is now safe to turn off your computer.
“…Papers due tomorrow! Class dismissed.”
Hindi pa rin tumatayo si Michael sa kinauupuan niya. Puyat na puyat siya. May tatlo siyang reaction papers at wala siyang nasagap kahit ano. Kahit kapiraso. Sumasakit na ang ulo niya pero hindi pa rin siya dinadapuan ng antok.
“Okay ka lang 'tol? Parang bangag ka a? Nakainom ka ba?” Si Lloyd.
“Hindi. May iniiisip lang. May kailangang tapusin. Sige tol, kailangan kong magcomputer. May tinatype ako e.”
Alas tres na ng madaling araw at patay na ang lahat ng ilaw sa bahay nina Michael. Tanging monitor niya ang nagbibigay liwanag sa kuwarto niyang mainit kahit na naka-high-cool na ang kaniyang aircon. Hindi siya gumagawa ng reaction paper o ng assignment. Hindi siya nagreresearch ng mga idea o nung nilecture kanina para makahabol dahil nga sabog siya sa klase. Iba ang nireresearch niya. Music pa rin ngunit ibang music: Kung paano mangharana sa istilo ni Czerny gamit ang tikladong isa lang ang tunog--patuloy si Michael sa kanyang hunting. Isang oras lang ay nakabuo na siya ng isang haranang may isang tono. Isang oras lang ay namaster niya si Czerny.
Sa wakas, nagbunga ang isang linggo niyang pagpapakapuyat. May nakarinig sa malumay-kahit-mabilis na harana-concerto ni Czerny. Biglang may window na nagbukas sa monitor ni Michael:
[celine] hello, missed me?
Biglang tumigil ang musika ni Czerny. Tahimik ang kuwarto ni Michael. Tahimik ang bahay nila. Kahit kuliglig ng hatinggabi ay hindi sumisitsit.
[celine] u there?
Pinagpawisan nang malagkit si Michael. Nagdidilim ang kanyang paningin. Hindi niya alam kung nahihilo siya sa gutom o sa sobrang babad ng mata sa monitor o sa puyat. Hindi niya namamalayang hindi siya nakapagtanghalian at hapunan kanina sa kaaabang sa undernet at sa kahahalughog sa mga chatrooms. Sa wakas. Pagkatapos ng ilang araw, dumating ang kanyang hinihintay. Nagsimula ang 2nd movement ng concerto ni Czerny: Concerto in ASCII code major, opus 3 number 7.
Humahataw na sa lamig ang aircon ni Michael. Sinigurado niyang naka high cool ang aircon niya ngayon para hindi bumigay ang Pentium IV processor niya. Pero kahit na sobrang lamig sa kuwarto niya, tagaktak pa rin ang kanyang pawis. At parang nararamdaman ng kausap niya ang init sa tapat ng kanyang computer.
[celine] is it hot in here or what?
*celine takes off her shirt: “it's too hot in here.”
Tumutulin sa pagtipa si Michael. Daig pa niya si Mozart sa pagtipa sa tiklado. Sumasabay ngayon sa musika ng piyano ni Michael ang malamig na awit ng aircon. Nagdidilim ang paningin niya.
Shet…ayan na…heto na naman…
Nararamdaman niyang parang hinihigop ng monitor ang mga mata niya…hindi lang mata, ang ulo niya, ang buo niyang katawan. Nilalamon ng liwanag ng kanyang monitor ang dilim sa kanyang kuwarto. Ilang sandali lang ay balot na ng liwanag ang buo niyang paligid. Hindi niya alam kung delusyon lang ito ng gutom o ano. Wala na siya sa kanyang kuwarto. Ngunit nasa tabi pa rin niya ang kanyang kama at maliwanag na sa buo niyang paligid. At ngayon, hindi na siya nag-iisa. Nakaupo na sa kanyang kandungan si Celine. Naka-brang itim at nakashorts at may ngiting lalong nagpabato kay Michael sa kanyang kinauupuan.
[celine] hey, what's up with you? Stoned? Hihihihi
Nagtayuan ang mga balahibo niya sa tawang iyon. Umaagos na parang talon ang pawis mula sa kanyang noo.
Totoo ang sabi ni Lloyd. Kakaiba ang larong ito. Hinding hindi ito magagawa ng sa telepono lang. Tagisan ng mga pagnanasa. Isa itong sikolohikal na laro. Ang unang bumigay, talo.
*celine spreads her legs. (rrriiippp!) oops! Shorts too tight, ur move. Hihihi
Parang chess, si Michael na ang titira. Ngunit hindi tulad ng chess, hindi uubra ang mabagal mag-isip. Hindi uubra ang masusing pagpaplano ng istratehiya. Walang lugar dito ang matagal na panghuhula ng maaaring itira ng kalaban. Bawat galaw mo ay dapat na mabilis. Sagot agad sa tira ng kalaban ngunit dapat tiyak ang bawat galaw. Walang mali. Kailangan ng matalas na utak, mabilis na pagdedesisyon at higit sa lahat, ang musikal na talento ng tulad ng kay Czerny.
Hindi romantiko ang musika ni Czerny lalo na at tulin ng daliri ang hamon ng kanyang mga obra. Ngunit sa daigdig na lumalamon ngayon kina Michael at Celine, hindi mahalaga ang romantikong musika. Hindi kailangan ng mga kandilang nakasindi. Hindi kailangan ng mga pisikal na bagay upang i-set ang mood. Hindi kailangan ng mga pisikal na bagay para paluksuhin ang dugo ng isa't isa. Ang mahalaga ay talas ng isip at kalayaan ng diwa. Ang may pinakamalayang diwa ang siyang diyos sa daigdig na ganito. Siya ang nagmamanipula sa mga isip ng mga nagnanasang magpasakop dito. Kaya niyang ipaisip sa mga taong narito (kung tao nga silang lahat) ang mga nais niyang ipaisip sa kanila. Kaya rin niyang ipaisip sa iyo na hindi mo kayang mag-isip at siya na lang ang mag-iisip para sa iyo.
Sa pagkakataong ito, si Celine ang diyosa ng daigdig na pinasok ni Michael. Nakikipaglaro siya sa isang kalabang bihasang bihasa na sa larong ito. Baguhan siya sa ganitong laro. Hindi tulad ni Celine na isang hustler. Nakikipaglaro siya ng isang matinding sikolohikal na laro kahit alam niyang wala siyang kalaban-laban. Sinusubukan lang naman niya. One shot deal. Wala namang mawawala.
*anakin massages celine's long, soft, and smooth legs
[celine] hihihi. I am enjoying this. Are you?
Tumatayo ang balahibo niya tuwing maririnig niya ang tawang iyon. Pero hindi niya ito naririnig. Dahil sa daigdig na ito, hindi mahalaga ang tunog o ang musika. Mga pisikal na bagay iyan. Mga bagay na nasasagap ng mga pandama. Ang daigdig na ito ay isang paradox: hindi kailangan ng lahat ng iyong pandama upang magpakasensuwal.
*celine unzips anakin's fly…ur move…
Umiinit ang buong paligid ni Michael. Kailangan niyang tumira agad, kundi matatalo siya. Kailangan niyang mag-isip nang mabilis. Hindi siya dapat lamunin ng larong ito…hindi siya dapat magpatalo. Ngunit naninigas na ang buo niyang katawan. Hindi niya alam ang dapat ikilos, ang dapat isipin.
[celine] I'm waiting…
*anakin unhooks celine's bra…ur move hahaha
[celine] hey that's not fair, ur a bad boy…hihihi
Hindi niya alam kung naiirita siya sa tunog ng tawang iyon. Ngunit wala ngang tunog. Paano siyang maiirita? Dahil ba sa alam niyang wala siyang naririnig? O mas nakatatawa pa…wala siya talagang nakikita. Pero alam niyang may nakikita siya. Meron. Hindi pwedeng wala. Dahil kung wala, bakit siya nag-iinit nang ganito? Bakit siya pinagpapawisan ng ganito?
*celine removes anakin's shirt: ur sweating too much…ur move…
Eto na nga marahil ang kapangyarihan ng virtual na daigdig na ito--ang pinakamatinding paradox. Nag-aapoy ang lahat ng mga pandama ni Michael ngunit alam niyang hindi naman niya ginagamit ang lahat ng ito. Mga mata lang niya ang ginagamit niya. At haraya.
Ngunit may nagsasabi sa kanyang kalokohan ang lahat ng ito. May bahagi niyang nagsasabi sa kanyang panlilinlang ang lahat ng nagaganap. Ngunit hindi. Nakikita niya si Celine na nakaupo sa kanyang kandungan. Nakikita niya ang hubad nitong katawang pinakikintab ng malagkit nitong pawis. Nakikita niya ang hinaharap nitong nakaamba sa tapat ng kanyang mukha. At nararamdaman niya ang dahan-dahang paghubad ni Celine sa kanyang t-shirt.
[celine] c'mon…this game is for fast thinkers…
Rumaragasa ang dugo ni Michael sa kanyang mga ugat. Mabilis at parang galit na ilog ang kanyang dugo, umagos ito sa mga sulok na dapat nitong daluyan. Hindi kayang balutin ng malamig na ihip ng aircon ang init na lumalabas sa kanyang katawan. Kailangang tanggapin niya ang hamon. Hindi siya magpapatalo:
*anakin grabs celine by her shorts…
[anakin] watch out…
*anakin slams celine to his bed…ouch! that oughta hurt.
[celine] u animal u…ggrrrrr…
[anakin] ur move…
Hindi ito ilusyon o delusyon o kung ano mang maaaring itawag mo dito. Alam niya ang mga nangyayari. Nakikita niya ang lahat. Nakikita niya ang nakahilatang katawan ni Celine sa kanyang kama suot ang ngiti niyang nanunudyo sa kakayahan ni Michael na mag-isip. Nararamdaman niya ang init at ang pag-aapoy ng kanyang mga pandama…ng buo niyang katawan.
*celine takes off her shorts…ur turn
*anakin takes off his shorts…ladies first hehehe.
*celine crosses her legs…ur move
*anakin approaches the bed, crouches and spreads celine's legs: “check!”
*celine hides underneath the sheets.
*anakin slowly pulls off the sheets
*celine takes off her undies…hihihi
[celine] ur move
Natigilan si Michael. Ngayong nakikita niya ang lahat, mas lalong lumilinaw sa kanyang wala siyang nakikita. Ngayong nararamdaman niya ang buong katawan ni Celine, ngayong nakikita niya ang tumatagaktak nitong pawis, lalong lumilinaw sa kaniya na wala siyang nararamdaman…na wala talaga sa tabi niya si celine. Ngunit nagliliyab ang kanyang mga pandama at basang-basa siya.
[celine] u there?
[celine] alis na'ko tagal mong magreply eh

[anakin] wait!
[anakin] wait!
[anakin] wait!
[anakin] wait!
[celine] c urs when I c urs, bye…hihihi
[anakin] wait!
***celine has quit irc (as the saying goes: “if u can't beat them, ur a loser!” hihihi)
Naputol sa gitna ang concerto ni Czerny. Biglang dumilim ang buong paligid. Wala na siya sa daigdig na pinasukan niya. Ilaw na lang ng monitor ang bukas. Nasa loob ulit siya ng kanyang kuwarto. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa kanya. Para siyang bahagi ng sistemang kanyang ginamit. Para siyang nawalan ng kuryente at nag-brown-out sa kanyang katawan. Nanlulupaypay si Michael. Sa gutom at kabangagan marahil. Basang-basa siya (ng pawis?). Alas dos na ng madaling araw. Kailangan na niyang matulog.

Maga pa rin ang kanyang mata sa pagpupuyat niya kagabi ngunit kahit paano'y mas payapa na ang kanyang utak. Nagkita na rin sila ni Celine sa wakas matapos ang isang linggo. Natatawa siya sa salitang nagkita gayong wala naman talaga siyang nakita. Hindi naman sila talaga literal na nagkita.
Kahit paano'y bumalik sa pagkanormal ang utak ni Michael. Nakabuti pala sa kanya ang sandaling pagkikita nila ni Celine. Kumalma ang kanyang isip at nabawasan ang kanyang pagkabalisa. Diretso na ulit at normal ang lakad niya papunta sa cafeteria.
Sa isang linggong paghahanap niya kay Celine, hindi naging maayos ang pagkain niya. Madalas siyang nalipasan ng gutom kaya't madalas ding hindi siya maka-concentrate sa klase. Kundi si Celine ang laman ng utak niya, hapdi ng bituka ang umaagaw sa atensiyon niya. At sa isang linggong abnormal niyang pagkain, hindi na yata kaya ng sikmura niyang kumain ng normal.
Pagpasok niya sa cafeteria, narinig niyang pinapatugtog ang isang pamilyar na bahagi ng Mikrokosmos ni Bela Bartok. Nagtataka siya at ganitong uri ng musika ang pinapatugtog dito. Dati-rati kasi, panay April Boy at Renz Verano ang tugtog sa cafeteria.
Nakita niya si Lloyd. Kasama niya ang ilan sa mga schoolmates nila na ka-chat rin ni Lloyd. EB yata ito. Nag-Eyebolan na sila. Hindi na sumama si Michael sa lamesa ni Lloyd. Una, puno na sila. Pangalawa, baka ma-OP lang siya doon. Pagkabili niya ng una niyang disenteng tanghalian matapos ang isang linggo, umupo siya sa lamesang malapit kina Lloyd. Dahan-dahan siyang kumain habang nakikinig sa usapan sa kabilang lamesa.
“Akala ko nung una babae ka kasi riverwind yung nick na ginamit mo e. Parang feminine ang dating sa akin,” sabi ng isang maputing babaeng kulay pula ang buhok kay Lloyd. Natawa lang si Lloyd.
“Speaking of akala, may naka-chat ako nung isang linggo. Sa simula puro pelikula ang pinag-uusapan namin saka Star wars. Napansin ko, baguhan lang pala sa pagcha-chat. E di pinagtripan ko na. Niyaya kong mag-cyber. Nung una nga nahihiya pa kasi wala daw siyang alam sa cybersex. Tapos garapal pala ang kamanyakan nun. E di niya alam lalaki ako.”
“Ano? Lalaki yung ka-cyber mo last week?”
“Pinagtripan ko lang naman e. Tawa ako nang tawa. Halatang wala pang alam sa pagcha-chat. At sobrang manyak ha…kung anu-ano ang pinagtata-type niya.”
“Anong nick ginamit mo?”
“Celine.”
Tumayo ang balahibo ni Michael sa batok. Sumama bigla ang sikmura niya. Sa tinagal-tagal niyang hindi kumakain nang normal, hindi na yata matatanggap ng sikmura niyang kumain pa. Tumingin siya sa kabilang lamesa. Si Lloyd ang nagkukwento. Bumaligtad na nang tuluyan ang sikmura niya at isinuka niya ang lahat ng kinain niya sa lamesa at sa kanyang pantalon. Nahihilo siya, naiiyak, nasusuka lalo, nilalagnat na yata siya. Gusto niyang umuwi. Gusto na niyang matulog nang mahabang-mahaba para mabawi ang isang linggong ipinuyat niya.

Revised 5 November 2006.

Thursday, October 19, 2006
Ang Mangkukulam
Walang sinuman sa amin ang nagkamaling sumubok na tumingin sa mga mata niya... kahit isang saglit lang. Sa lahat ng pagkakataon na makakausap namin siya, na bihira naman, iniiwasan naming tumingin sa mga mata niya. Kung palarin kaming makausap siya, sa ibang bahagi ng mukha niya kami tumitingin. Sa labi, sa ilong, sa noo, sa pisngi. Pagkakamali mo ang tumingin sa mata.
Mabibilang sa daliri ng kamay mo ang mga nagtangkang tumingin. Ang iba’y panakaw, ang iba’y habang kausap. Lahat sila’y iisa ang kinahinatnan—nawawala sa sarili, nabaliw, nilayasan ng katinuan. Ngunit ang lahat ng ito ay mga kwento pa lamang—mga sabi-sabi, haka-haka. May nakapagsabing anim sa mga binatilyong bigla na lang nawala sa sarili ang biktima ng sumpa ng kanyang mata.
Nariyan si Roni, barkada ko, na-admit sa mental last sem. Catatonic na raw sabi ng nanay—hindi nila matukoy ang dahilan. Si Christian, ang presidente ng student council, bigla na lang hindi pumasok. May balita raw na parating kinakausap ni Christian ang sarili. Si Lloyd, nagsasalita ng German sa Philo class namin. Nadismiss. Pati teacher, nabiktima. Si Dr. Alcantara, ang teacher namin sa Bio, pinagresign na ng Dean. Bigla na lang kasi itong kumakanta ng kanta ni April Boy sa gitna ng lecture niya. Nahuli ito minsan ni Dean na kumakanta ng “Ikaw Pa Rin” sa gitna ng lecture niya tunkol sa DNA. At ang pinakamatindi, si Yorrick na Captain ball ng varsity—ayaw nang pumasok dahil sa paranoia. Pakiramdam niya, parating may gustong pumatay sa kanya. Pinadala ng tatay sa rehab dahil napagkamalang nagdodroga. Ilan lang sila. Ilan lang sa mga naunang nagtangkang pumorma o manligaw. Ilan lang sa mga nagtangkang tumingin sa malalalim niyang mga mata. Lahat sila nabaliw.
Ngunit walang nakapagpatunay na siya nga ang dahilan ng mga nangyari. Walang makapagbigay ng pruweba na may sumpa nga ang mga mata niya. Gayunpaman, kahit mga haka lang ang mga ito, wala na sa aking mga kaibigan ang sumusubok na makipagtitigan sa kanya. Dahil wala pa, kahit isa sa mga nagtangka, ang nakaligtas mula sa sumpa ng kanyang mga mata.
Isa ako sa mga nagtangka.
Nakilala ko si Ana sa gala night ng huling play na ginawa ko sa University. Pagkatapos ng curtain call, sa gitna ng mga congratulations, yakapan, at sigawan, sa gitna ng mga nag-iiyakang cast members, nakita ko siyang papalapit sa akin.
Alam ko na agad ang unang dapat kong gawin. Kailangan kong umiwas ng tingin. Ngunit hindi na maiiwasan ang pagtatagpong ito. Lumapit siya sa akin para i-congratulate ako. Agad kong ipinako ang mga tingin ko sa kanyang nakapagtutulalang ngiti.
“I loved it. It’s probably the darkest play I ever saw...”
“I’m taking that as a compliment.”
“I meant it to be. By the way, my name’s Ana.”
“I know...”
Hindi ko alam kung ano itong pinapasok ko. Nakita ko ang ilan sa mga cast and crew ko na natigilan, napatingin sa direksiyon namin ni Ana. Parang sinasabing: “Huwag kang titingin sa mata, Huwag sa mata!”
“It’s nice meeting you. Iwan na kita. I don’t want to steal you from your company.”
Pero noong sandaling iyon, hindi ako takot mabaliw. May kakaibang misteryo ang bumabalot sa katauhan ni Ana. May kakaibang panghatak, kakaibang balani. May humihila sa aking manatili sa tabi niya kahit na alam kong kabaliwan ang gawin iyon.
“If you’re not busy tonight, we’re having our cast party at my place...you might wanna join us...you know...for booze and stuff...”
Ginantihan niya ako ng ngiti. “I’d love that.”
Sa New York lumaki si Ana. Bumalik siya dito sa Pilipinas dahil may kinailangang asikasuhin ang kanyang Nanay. Dito niya tinapos ang kalahati ng kanyang high school at dito na rin niya balak tapusin ang kanyang kolehiyo. Bunso siya sa tatlong magkakapatid. Senior Manager ang ate niya sa isang kilalang bangko sa Makati samantalang ang kuya niya, o kuyang-ate, ay nasa kung saang sulok ng Malate, tumutugtog ng gitara sa gabi, ibang instrumento naman sa madaling-araw.
Si Ana ang paborito ng kanyang ina na gabi-gabi niyang kasama maliban lang ng gabing iyon. Maliit pa si Ana nang namatay ang tatay niya. Binaril ang tatay ni Ana sa harapan niya. Nagmamaneho noon ang tatay, katabi siya sa harap. Red light—huminto ang kotse sa isang intersection, nang bigla na lang, may isang lalaking naka-shades ang tumapat sa bintana ng kanyang tatay, tinutukan ng baril sa ulo, at pinaputok. Hindi niya maalala ang naramdaman niya noon. Bata pa siya masyado para maalala. Hindi rin niya naintindihan kung ano ang nangyari. Pero hindi niya kailanman malilimutan ang mukha ng lalaking bumaril sa kanyang ama.
Malayo ang narating ng kwentuhan namin. Mula sa pamilya, eskwela, mga hilig, bisyo, barkada, hanggang lolo’t lola. Humanities pala ang kinukuha niya, major in literature kaya sobrang interesado siya sa mga writers ng school. Matagal na pala niyang sinusubaybayan ang mga sinusulat ko.
“This is your most angst-ridden play.”
“Hindi naman talaga ako angst-ridden. Maloko lang talaga akong magsulat.”
“So are you working on any new plays?"
Habang lumalalim nang lumalalim ang aming pag-uusap, lumalalim na rin ang tama namin. Marami kaming natutunan tungkol sa isa’t isa, marami na rin kaming alkohol sa katawan.
“Labas tayo,” aya ko.
Iniwan namin ang tropa sa bahay. Kalahati sa kanila’y lasing na, may ilang sabog sa tsongki, at nakita ko na ring lumabas ng kuwarto ko ang lead actor at actress ng play ko.
Binaybay namin ang malamig na kalsada na iniilawan ng malamlam na titig ng buwan.
Hindi ako makapaniwala, na kasama ko ngayong gabi ang pinakamaganda, pinaka-seksi, pinakamaputi, pinakamakinis, pinaka-“M”—lahat na ng “M”—mabango, mapulang labi, misteryosa, mahabang buhok, mayaman, mabait, malusog at malaman... Ang pantasya ng bayan, ang pinakapatok, ang pinakamabenta sa market, ang pinakaaabangan sa takilya, ang cover girl at centerfold ng school organ, ang dream kepyas ng mga seniors, ang di-mahawak-hawakan, di matitig-titigan.
Pero hanggang pantasya lang kaming lahat. Hanggang isip lang. Dahil sa takot sa sumpa. Pero ngayon, kasama ko siya, naglalakad kami, nagkukwentuhan, nagpapalitan ng mga sama ng loob, ng mga pangarap, ng mga buntong-hininga, ng katahimikan. Minsan, mas malalim ang makipagpalitan ng katahimikan kaysa ng mga karanasan.
Medyo hilo na kami pero nakapako pa rin sa isip ko ang isang bagay: “Huwag kang titingin sa mata, huwag sa mata.”
“Are you scared of me?” Bigla niyang tanong.
Hindi ko inasahan ang tanong na iyon. Pareho na kaming medyo nahihilo. Kumapit siya sa braso ko at inihiga ang ulo sa aking balikat.
“Is it true?” Tanong ko.
Ginantihan lang niya ako ng ngiti. Hindi ko man tukuyin, alam niya kung ano ang tinatanong ko.
“What do you think?”
“Tingin ko, totoo.”
Hindi ko alam kung ano’ng pumasok sa kukote ko. Nasobrahan na siguro ako sa alkohol. Hinawakan ko ang mukha niya, nakapako pa rin ang mga mata ko sa kanyang labi. Dahan-dahang dumampi ang init ng aking labi sa kanyang labi habang hinahawi ng aking dila ang kurtina ng kanyang pag-aalinlangan. At sa loob ng isang mahabang sandali, nalunod kami sa dilim ng sandaling pagkurap ng buwan. Naghiwalay ang aming mga labi, at wala nang gustong dapuan ang aking mga mata kundi ang kanyang tingin. Noong gabing iyon, naligaw ang aking ulirat sa lalim ng kanyang mga mata.
Iyon ang huli naming pagkikita bago siya umalis.
Hindi na muli ako nakarinig mula noon galing sa kanya. Hindi ko na siya nakita sa campus. Nabalitaan ko na lang sa isa niyang kaibigan na bumalik na siyang New York. Tapos na siguro ang inaasikaso ng kanyang Nanay. Umalis siyang walang paalam, nang hindi tinatapos ang kanyang mga sinimulan.
Hindi ko alam kung dapat kong ikatuwa ang pananatili ng aking katinuan matapos ang gabing iyon. Hindi ko alam kung napatunayan kong sabi-sabi lang ang sumpa tungkol sa kanyang mga mata o nakaligtas ako mula rito. Nakaligtas nga ba ako? O hinayaang makaligtas? Pero minsan naiisip ko na mas mabuti na lang ang mabaliw. Minsan, sinasabi ko sa sarili, na mabuti pa’ng wala ka sa sarili kaysa malaman mo kung ano ang hindi mo naangkin—ang hindi mo na maangkin.
Hindi ko na ulit nahanap ang labing iyon. Iyon ang halik na kung saan ihahambing ko ang lahat ng mga halik na aking naangkin, at matatanto kong wala ni isa sa kanila ang makatatapat dito.
Sinubukan kong hanapin kay Shiela, ang naging lead actress ng sumunod kong dula—ang una kong dula sa labas ng pamantasan. Commercial model si Shiela pero gusto niyang matutong umarte kaya siya sumali sa acting workshop ni binibigay ko pag summer. Hindi siya talaga marunong umarte. Pero nang makita ko siya, sabi ko sa sarili na kaya ko siyang paartehin. Walang taong walang talent. Kahit hindi ka marunong umarte, kaya kitang paartehin. Lalo na ang isang commercial model na katulad ni Shiela.
Hindi talaga makuha sa kahit na ano’ng workshop si Shiela. Hindi siya uubra sa entablado. Gusto ko mang kunin siyang bida ng dula ko dahil siya ang hitsurang hinahanap ko, kahit sinong walang alam sa teatro ang magsasabing gago ang direktor kapag ipinagpilitan siyang maging artista.
Alam ito ni Shiela. Dumating ang auditions. Alam niyang di niya ako madadaan sa santong dasalan, kaya dinaan niya ako sa santong paspasan. Sa mas malambot na entablado siya nag-audition sa akin. Papasa na. Marami pala siyang “theater” experience.
Bago ako bumangon sa kama, hinalikan ko si Shiela, hinahanap ko ang labi ni Ana. At tumitig ako sa kanyang mga mata, hinihintay na maligaw ang aking ulirat.
Iyon na ang huling paglabas ni Shiela sa entablado.
Sinubukan kong hanapin kay Mary Ann. Si Mary Ann ang teacher ko sa integral calculus. Typical grade A nerd pero kung tatanggalan mo ng salamin at ilulugay mo ang buhok, pwede na. Parang sa commercial ng Pop: “Siya ‘yon!”
Nabasa ko sa kung saan na ang mga matatalinong tao raw ang mga pinakasenswal. Base raw ito sa konsepto ng tabula rasa—“nothing is in the intellect without passing through the senses.” Kung gayon, mas matalino ka, mas marami ang dumaan sa iyong mga pandama, kaya mas senswal ka.
Tama nga naman. Itong si Mary Ann, kung gaano ka-academic sa klase, ganoon ka-wild sa kama. Kung anu-ano ang pinagagawa sa akin. Memoryado yata ang kamasutra (academic nga!). Pati yata lahat ng mga ritwal ng mga pagano nagawa na namin, at tipong nagresearch pa siyang mabuti dahil habang naghihintay siya ng orgasm, naglelecture siya tungkol sa historical at social contexts ng mga ritwal na ito.
Pero nang hindi ko nahanap sa kanya ang labi ni Ana, at ang lalim ng kanyang mga mata, hindi na ako ulit pumasok sa calculus. Pagkatapos ng sem, bagsak ako, overcut. Kinailangan kong i-retake ang subject sa ibang teacher—si Mrs. Tigershark, isang dambuhalang terror na di ko maintindihan kung bakit naging misis. Eto, kahit anong talino nitong babaeng ito, hindi ako maniniwalang senswal siya.
Kung saan-saan ko hinanap si Ana: Kay Daisy—yung waitress na may dalawa nang anak at naghahanap ng mayamang foreigner na magdadala sa kanya sa ibang bansa; kay Jeli, yung dancer na sinasayawan muna ako bago kami mag-sex; si Denise—yung account executuve ng isang agency na sobrang tahimik sa kama, takot na marinig ng kahit na sino, pakiramdam niya parati’y may nanonood sa kanya; si Maia—yung TV producer ng isang di-kilalang TV show na hindi makaraos kung hindi kumakain ng pizza habang nakikipagtalik; si Marie na ayaw patira sa kepyas at pagkatapos ng tatlong linggong pagtitiyaga ko sa pwet ay nalaman kong lalaki pala (putangina!); at si Alex—ang CEO ng ad agency na pinagtatrabahuhan ko, na FF (Fucking Friend) ko at ka-OPM (On pag magkasama).
Kay Alina siguro ako pinakamatagal na naghanap. Nakilala ko siya sa kiddie birthday party ng pamangkin ko. Siya ang naghost ng mga games. Simpleng babae lang si Alina. Hindi siya matalino pero masipag. Nagtatrabaho siya sa Jollibee pag umaga at nag-aaral sa hapon at gabi—paunti-unting units, makatapos lang. Accounting ang kinukuha niya.
Halos dalawang taon din kaming magkasama ni Alina. Marami akong natutunan sa kanya, at masasabi kong malalim rin ang pinagsamahan naming dalawa. Naging matalik kaming magkaibigan. Naramdaman ko sa kanya na kailangan niya ako, at mas naging malinaw sa akin ang pagkakaroon ng silbi, ang pakiramdam ng may nangangailangan sa iyo, ang pakiramdam na ang mga braso ng isang lalaki’y hinulma ng Diyos sa balikat ng babae. Tinulungan ko siya sa kanyang pag-aaral. Kahit mahina ako sa Math, nagtiyaga akong aralin ito para magapang niya ang kanyang diploma.
Nagtatrabaho na ako noon bilang creative director sa isang advertising agency nang grumaduate si Alina. Sa graduation party niya, niyaya ko siyang magpakasal.
Akala ko’y tuluyan ko nang malilimutan si Ana. Pero habang lumalayo ang alaala niya, lalong lumilinaw sa akin ang hindi ko naangkin. Nanunuot sa balat ko, tumatagos sa bungo, kinakain ang utak ko. Parang obsesyon, habang pinipilit makalimutan ay lalong naaalala, habang nilalabanan ay lalong nagwawagi.
Namatay si Alina isang linggo bago ang aming kasal. Isang gabing pauwi siya galing sa trabaho sa bangko, hinarang siya ng mga adik sa isang eskinita, pinagsamantalahan...pinatay.
Isang buwan akong wala sa sarili. Gabi-gabing nagluluksa karamay si San Miguel. Nag-aaliw sa mga ilaw na patay sindi, at sa mga balakang na gumigiling. Kilala ko na ang aking sarili. Hindi madali para sa akin ang lumimot. Kaya hindi ko inaaliw ang aking sarili para makalimot. Inaaliw ko ang aking sarili para lumikha ng mga bagong alaala sa pag-asang makalikha ako ng alaalang higit pa sa alaala ng gabi ng huli naming pagkikita ni Ana.
Dapat ay nagluluksa ako sa pagkamatay ni Alina. Pero ibang bagay pa rin ang pinagluluksaan ko...hanggang ngayon.
Ilang taon na nga ba? Lima? Anim? Hindi ko na matandaan. Natututunan ko na ang lumimot.
Pero kung kailan ko natututunang makalimutan ang lahat, bigla siyang dumating.
Iyon ang huli naming pagkikita.
Natagpuan ko siyang nakaupo sa isang coffee shop, mukhang may hinihintay. Wala siya pinagbago kundi mas maganda siya. Hindi ako magkakamaling siya iyon. Naroon ang panghatak na naramdaman ko noong una niya akong nilapitan. Para akong compass, wala nang ibang pupuntahan ang mga paa ko kundi ang North...siya.
“Ana?”
Nagulat siya. At ginantihan niya ako ng ngiting tulad ng ibinabato niya sa akin dati. Hindi siya tumanda. At lalong mapusyaw ang pula ng kanyang mga labi. Naka-shades siya, parang nangungutya, ayaw ipakita ang misteryong bumihag sa akin sa loob ng ilang taon.
Hindi kami pareho makapagsalita. Kahit kamustahan. Sapat na ang palitan namin ng katahimikan. Mas nakabubusog ang katahimikan sa mga sandaling ganito kaysa sa magkwentuhan.
“Kailan ka pa bumalik?”
“Just two days ago.”
“Sino’ng kasama mo?”
Bumukas ang pinto ng coffee shop at pumasok ang isang apat na taong gulang na batang babae kasama ang yaya nito. Sinenyasan ni Ana ang yaya na maupo sa lamesa sa kabila.
“My daughter.”
Mahabang katahimikan.
Sa ganitong paghahanap, hinahanap ko bang talaga ang daan palabas, o ang karanasan lang ng pagiging ligaw?
“I just wanted to say hi. I really have to go. It’s nice to see you again, Ana.”
Ginantihan lang niya ako ng ngiti.
“You still haven’t answered my question before.”
“Which one?”
“Is it true? Na lahat ng lalaking tumitig sa mata mo ay nababaliw?”
“Yes”
Tinanggal niya ang kanyang shades. At muli, ipinamalas niya sa akin ang malalim na daigdig ng kanyang mga mata kung saan naligaw ang aking ulirat. Matagal. Pero sandali lang. Sa isang tingin—parang nagkasya ang ilang taon kong paghahanap sa liwanag ng kanyang mga mata.
“Goodbye Ana.”
Ngiti.
Lumabas ako ng coffee shop. Dire-diretso ang lakad ko. Hindi ko alam kung saan ako papunta. Hinahanap ko sa tinabunan kong alaala ang gabing bago siya umalis. Ang init ng labi niya. Ang ulirat kong naglalaro’t naliligaw sa kristal na uniberso ng kanyang mga mata. Ang kanyang pag-aalinlangan na hinawi ng aking dila. Ang gabi ng aking pangangahas na danasin ang sumpa. Ngunit wala akong mahanap. Wala.
Dumiretso ako sa kwarto ko at binuksan ang drawer ng tukador. Inilabas ko ang aking revolver. Hindi ko alam dati kung bakit ko ito binili. Ngayon, alam ko na.
Dati, hindi pinapayagan ng simbahan na bigyan ng Katolikong libing ang mga nagpakamatay. Pero iniba na ito ngayon. Sabi nila, hindi daw natin alam ang nangyayari sa kaluluwa ng mga nagpakamatay. Maaaring humingi sila ng tawad sa Diyos sa huling sandali. Maaari din namang wala sila talagang kasalanan dahil wala sila sa sarili. Mga baliw lang daw ang bumabawi ng sarili nilang buhay. Mga baliw lang daw ang nagpapakamatay.

* * *

Subscribe to:
Posts (Atom)