Friday, May 01, 2009

Di na natuto

Palanca season na naman. April 30 deadline.

Noong college ako, tradition na namin nila Mr. Coroza na sabay-sabay na magpunta sa Palanca office at magsubmit ng aming entries bandang alas onse medya ng gabi pag April 30. Minsan magkikita muna kami sa bahay niya at magkakatayan bago kami tumuloy. Eventually, naging busy na lahat, kanya-kanyang submit na lang. Minsan nagkikita-kita kami doon.

Ako na lang yata sa amin ang nagsusubmit. Si Terdo, Araw awards na ang kinakana. Si Robster, abala sa paggawa ng jinggle at kanta. Si Roni, ekonomista na. Si Mr. Coroza, nagjujudge na ng Palanca.

6 years ago, nanalo ako, sa wakas.

Panahon na para magtake-two.

Noong mga sumunod na taon, hindi ko masyadong naseryoso ang pagpapasa. Lagi akong inaabutan ng deadline kaya parating mga lumang gawa ang nasasubmit ko. At parati, pag April 30, alas dose ng hatinggabi ako dumarating sa palanca office para magsubmit. Buzzer beater na naman.

So last year, sabi ko sa sarili ko, magpapasa ako ng bagong play. Matagal nang idea yung Kapeng Barako Club. May tatlong taon na siguro. Sinimulan kong isulat. April 30 ng umaga, wala pa rin akong nasusulat. Naghanap na lang ako ng lumang play, nirevise ko ng konti. Print. Submit. Dumating ako, 12:30am na. 30 minutes late ako. Nakiusap ako. Sa awa ng Diyos, dahil bagong lipat ang office nila at maraming naligaw, inextend nila ang deadline for a week.

Pagkapasa ko, sabi ko sa sarili ko, okay lang na di ko natapos yung Kapeng Barako Club. Meron akong isang taon para sulatin yon.

Isang taon ang nakalipas.

Di ko pa rin tapos ang hinayupak na play. Sinimulan ko noong isang araw. Kinopya ko yung mga snippets sa blog ko at sinubukan kong lagyan ng sense. Sakit sa ulo. After writing 3 scenes, may ibang play na pumasok sa utak ko. Di ko napigilan ang sarili ko, kaya sinulat ko na rin. Nakatapos ako ng isang one-act play. "Riles" ang title (pero di ako masaya sa title, papalitan ko na lang pag nanalo na). Noon matapos ko yung one-act play, binalikan ko yung kapeng barako club. Shet. April 30 na.

Habang nagco-countdown ako bago mag-alas dose, piniga ko ang utak ko sa pagsusulat.

Alas dos ng hapon, nakatulog ako.

Alas singko na ako nagising.

Shet. Isang act pa lang nasusulat ko. Ligo muna para magising ang utak.

Alas diyes ng gabi. Natapos ko ang play ko na isang taon ko dapat susulatin. Tinawagan ako ng gf ko. Walang tinta ang printer niya. Walang tinta ang printer ko. Walang tinta ang printer ni Marlowe. Pakshet. Takbo kami sa tapat ng JRU. Buti may bukas na computer shop.

Ang haba pala ng play ko. Halos 60 pages. Times 3 copies. Wala pa silang photocopy machine. Tawag ako kay Czyka na kakasubmit lang. May xerox sa palanca. Bahala na. Doon na ako magpapaphotocopy.

Dumating kami sa Palanca 11:55 at wala pa akong makuhang parking. Nakipagdiskusyon pa ako sa guwardiya na 5 minutes lang ser! Malelate ako sa Palanca!

Naawa ang Diyos, may bakanteng parking bigla. Takbo kami pataas. Sakto alas dose. Submit.

Doon na ako nagpaphotocopy. Shet anlaki ng ginastos ko.

Pakshet kang palanca ka pag di kita makuha this year ewan ko na lang.

At least, nakatapos ako ng play. At buti na lang, masarap ang kinain namin ni alex sa whistlestop.

Di na ako natuto. I had one year to write. Bakit kelangang last minute ako lagi magpasa?!

Ang sakit na ng utak ko. Wala akong ginawa maghapon kundi makipag-usap sa mga karakter ko.

Matutulog na ako. Bukas, sana paggising ko, maganda pa rin yung play.

1 comment:

  1. mananalo ka niyan tay. ikaw pa. Demi-god ka e. hahahah!

    ReplyDelete