May camera naman ako. Point and shoot na lang di ba? Gagastos pa ako ng pag-aaral e pwede ko namang kapain. Bakit pa ako mag-aaral sa film school?
Iho, lagi ka na lang nagrereklamo kung gaano kapangit ang mga palabas sa TV ngayon. Feeling mo ikaw ang messiah ng Philippine TV and Film Industry. Pero ayaw mo mag-aral? Eto ang sampung dahilan kung bakit kelangan mong mag-aral:
1. Ang pelikula ay art na may grammar. Kung di ka nag-aral ng grammar, para kang barok magkwento sa pelikula. Gamit ka nang gamit ng fade to black hindi mo naman alam ang ibig sabihin.
2. Hindi naman nag-aral ng Film si Orson Welles ah?! Bakit si Lino Brocka at Ishmael Bernal? Si Lino, nag-apprentice ng ilang taon. Si Ishma, nag-aral sa India. Kung ayaw mo talagang mag-film school, mag-apprentice ka sa isang Master for 10 years. yun, pwedeng substitute. Sa panahon ngayon, kaninong master ka mag-aapprentice?
3. Kailangan mo ng mga kaklaseng tutulong sayo pag gumagawa ka na ng pelikula. Yung nagkakaintindihan kayo. Hindi mo kayang gumawa ng pelikula mag-isa.
4. Nagbabago ang technology. Magpapalit ang mga kamera, hardware at software. Ang technique permanente. Hindi maibibigay sa iyo ng technology ang technique.
5. Kelangan mo ng teacher na magsasabi sayong pangit ang gawa mo. (At di ba, mas fulfulling kung may karapatan ang teacher na nagsabi sayong maganda ang gawa mo?)
6. Lahat ng art, kelangan ng disiplina. Di mo makukuha ang disiplina sa internet.
7. Lahat ng art, kelangan ng praktis. Magpapraktis ka sa bahay ng shooting protocols kasama ang mga stuffed toy mo? (o kaya ang katulong ninyo?)
8. Mas magastos ang trial and error kaysa sa mag-enrol at matutunan ang tama.
9. Masyadong mahal gawin ang pelikula para lang panoorin mong mag-isa. Kelangan mong malaman kung paano ito ibebenta, ididistribute, ipapackage, imamarket...kelangan mo ng know-how at network.
10. Pag sa film school ka magkamali, may magtatama sa iyo. Pag sa labas ka nagkamali agad, hindi ka patatawarin ng audience mo.
Ang tanong ngayon, saan ako mag-aaral ng film?
DITO:
Bago maubusan ng slot! Enroll na!
Ah eh magkano ba ika ang tuition?
ReplyDeletethanks for the link :)
ReplyDeletematagal ko nang gusto mag-enroll sa MDAFI, pero napaka-mahaaaaaaal ng tuition fee.
Siguro hanggang apprenticeship nalang ako. If I'm lucky.
:P
nice one sir x... :>
ReplyDeleteswak!! :)
ReplyDeleteparang narinig ko na to ah... sa hillsborough hehe... katayan academy ito :D
ReplyDeletegame! I like it...gaya din ako ah sa multiply ko ha?
ReplyDelete