Saturday, April 17, 2010

Picked-up lines

Before we start work, direk Marilou, my sensei, brings me to her resort in Anilao, Batangas so i can let the sea-breeze write for me.

So i look back, at some stolen, written, dreamt, and picked up lines from my old blogs, in an attempt to jumpstart my brain to write my new works.

This is just a reblog. But enjoy nonetheless!


THE UNSAID.

Eto ung mga unsaid na sana nasabi ko. So sabi nga sa rules, di ko sasabihin kung para kanino. Iba rito nasulat ko na sa play kasi nga di ko masabi nang harapan. May isang nasabi ko rin, di ako nakatiis. Pakshet ang emo neto at di ko to usually gagawin pero sobrang bored na talaga ako ngayon sa trabaho...pampaluwag lang ng utak. Heto sila.

1. I just realized that you will forever be the muse that I can never have.

2. You make me want to stop writing and start living my plays.

3. Di pa ko ready. (parang napanood ko ito sa isang starcinema film...)

4. Di ka worth it. Sinayang mo dalawang taon ng buhay ko.

5. Salamat sa lahat pero I need to grow on my own. I have to go.

6. May nakabara ba sa puwet mo?

7. Sorry di ko sinasadya, hindi pa ako buo noon e.

8. Dito lang ako. Hintayin kita. Wag lang akong maubusan ng gasolina.

9. So, wala lang 'yon?

10. Alam mo, mukha kang tanga, tayo na lang kasi.


THE SAID

Para naman may originality. Hehe. Kung meron kayong listahan ng mga unsaid, ako merong listahan ng mga said. Mga said na pedeng pang-play, pang-telenovela, pampelikula. In short. Mga panalong hirit. May ilang sana hindi ko na lang hinirit. May ibang di ako makapaniwalang hinirit ko (what the hell was I thinking). Higit sa lahat, marami-raming hirit dito ang trip lang.

Pag umabot ito ng singkwenta, ilalagay ko to lahat sa isang movie script tapos ibebenta ko sa star cinema. tiyak block buster hit eto.

Alam mo na kung sa'yo ko 'to hinirit (lahat?) Hehe.

1. Ang mahal naman ng ngiti mo.

2. Hindi tayo tao, hindi tayo hayop, at di rin tayo halaman. Bagay tayo! Bagay!

3. Pag nag-emo ka ulit, hahalikan na kita.

4. Sabi ko nga sa'yo adik nako sa'yo e.

5. Gusto mo yata pahalik kaya ka nagpapaka-emo jan e.

6. Ano ba'ng pinakain mo sake'n? Nilagyan mo ng gayuma yun noh?

7. Hindi ako aalis hanggat wala akong kiss.

8. Well kung ako mapapangasawa mo, magiging masiyahin ang mga anak natin.

9. Halika, hahalikan kita para di ka na ma-confuse.

10. Ako: Tulungan mo naman akong magsulat o.
Siya: Paano?
Ako: Iinspire mo ko.


THE SAID (Dialogue Version)

Mas interesting talaga ang totoong buhay kaya doon ako nagnanakaw ng dialogue para sa mga play ko. Sabi nga nila: good artists copy, the great ones steal!

konti lang to. pag naalala ko ung iba, idadagdag ko na lang

1. A: Matalik ba tayong magkaibigan no'n?
B: Oo.
A: Hindi ah! Matalik lang!

2. A: Ang sarap mo kasing kumain at ang sarap mo ring magkwento
B: Thanks. Nakikinig ka ba naman pag nagkukwento ako
A: Oo naman. Pero iniisip ko rin: "Ano bang nakita ko sa babaeng ito eh ang lakas lakas niyang kumaen??!!"

3. B: Hindi ba kita naiistorbo?
A: Tapos na 'ko. Nilalandi na lang kita.

4. B: Virgin ka pa ba?
A: Ikaw?
B: Nauna akong magtanong.
A: Only one way to find out, di ba?
B: Hindi naman malalaman sa lalaki eh.
A: Akala mo lang yun.

No comments:

Post a Comment