Friday, October 23, 2009

Bakit Masarap ang Bawal?

Bored na ba ako. Andami kong requirements na dapat sulatin, pero play lang ang lumalabas sa utak ko. Hindi ko alam kung bakit. Buntis na naman ang utak ko. Kailangang iluwal habang may kaunti pang lakas at oras...

Trying to work on a new play. A sequel or a spin-off of Kapeng Barako Club. I'm not so sure. But so far, here's the conversation that came out of my head on my bed:

Konting background for those who haven't read KBC: Samahan ng mga Bitter, Marlowe is a playwright who owns a coffee shop kung saan tumatambay lagi ang KBC. Nagtuturo din siya ng Creative Writing sa university sa tapat ng kapihan niya. Si Sunshine ay estudyante sa university at nagtatrabahong part-time kay Marlowe bilang barista/waitress.

MARLOWE
Ano’ng ginagawa mo sa klase ko?

SHINE
Bakit? Bawal?

MARLOWE
Nadidistract ako sa’yo.

SHINE
Sorry naman.

MARLOWE
You don’t need to take that class. It’s a creative writing class.

SHINE
Pwede naman akong mag-elective ah.

MARLOWE
I-drop mo na.

SHINE
Ayoko nga. Pakialam mo? Gusto kong matutong magsulat eh.

MARLOWE
Ibabagsak kita.

SHINE
On what basis?

MARLOWE
Hindi ako makakapagturo nang maayos niyan eh!

SHINE
At bakit?

MARLOWE
Hindi ka pa ba kuntento na boss mo ‘ko dito? Boss mo na ako, teacher mo pa. Kulang na lang tatay mo na ako.

SHINE
Ayun! Feeling mo tumatanda ka na! May issue palang ganun.

MARLOWE
Ano ka ba? Wala akong pakialam sa edad ko. Mas virile at mas attractive ang mga lalake pag mas tumatanda.

SHINE
E di wag mo na lang akong pansinin sa classroom. How hard is that to do?

MARLOWE
Namputa naman lima lang kayong estudyante ko, hindi pa kita papansinin.

SHINE
E di pansinin mo ako.

MARLOWE
Ifa-fire kita.

SHINE
On what grounds?

MARLOWE
Insubordination.

SHINE
What about academic freedom? Hindi ba pinaglalaban mo ‘yun nung estudyante ka pa? Tapos ngayon, ite-terrorize mo ako para huwag i-take ang klase mo? Hindi ba dapat ngang ma-flatter ka because I’m wasting my precious time to attend your class? I’m willing to add to my load! Magpapasa ako ng lahat ng requirements mo! I’ll ace your class. I promise you, you will have no choice but to give me a 1.0. Kung ang worry mo ay mapapahiya ka sa akin, promise, I’ll shoot myself kung mangyari yun. I’m running for honors, alam mo ‘yan.

MARLOWE
I don’t doubt what you can do. You probably write better than me.

SHINE
Sobra ka naman.

MARLOWE
As a friend, can you do this as a friend? Can you drop my class, please? I’m asking you as a friend.

SHINE
Friends na pala tayo ngayon? Akala ko ba boss kita?

MARLOWE
Huwag kang Pilosopo.

SHINE
Bakit ba ayaw mo sa akin?

Sandaling katahimikan

MARLOWE
Hindi nga ayaw eh. Gusto nga eh.

SHINE
Huh? Anlabo mo.

MARLOWE
Pag naging estudyante na kita…

Sandaling titigil

MARLOWE
Hindi na kita malalandi.

Sandaling katahimikan. Hindi alam ni Sunshine kung paano magreact.

Ngingiti si Sunshine.

SHINE
Sabi ko nga.

Magiging seryoso ang mukha ni Marlowe

MARLOWE
You’re fired.

Dilim.


9 comments:

  1. hmm,anu kaya ang mangyayari? ipagpatuloy mo to at gusto kong malaman ang magiging takbo ng istorya :-)

    ReplyDelete
  2. shet ang ganda yata neto. hahaha!!

    ReplyDelete
  3. i like the name of your new character ha! :p
    - marlowe uy

    ReplyDelete
  4. sige lang, eks, lumandi ka pa.

    :D

    -migs

    ReplyDelete
  5. tay! intense to ah..parang kilala ko si Shine. at si Marlowe. haha!

    ReplyDelete
  6. Sinulat ko ito bago mag-start ang semester. Anumang pagkakatulad sa totoong buhay ay HINDI SINASADYA...or may sumpang ang mga sinusulat ko ay nagkakatotoo? hahaha

    ReplyDelete
  7. Hanubaaaaa. Nakukurta na utak ko sa paghula.
    HURR.

    ReplyDelete
  8. Let see what will happen next???

    ReplyDelete