Saturday, May 08, 2010

Pagkatapos mong bumoto

Minsan sa anim na taon, nagiging politikal ka. Di mo alam kung bakit. Pero bigla na lang, madali kang mag-init, maging passionate, maging madaldal kapag ang usapan ay politika na. May napipisil kang kandidato. Tingin mo siya ang nararapat. At napipikon ka bigla kapag ang mga kaibigan mo ay boboto ng iba.

“Tangina bakit ‘yan? E bobo naman yan?”

“Iboboto mo ‘yan dahil lang sa pangalan ng magulang niya? C’mon!”

“Galing at Talino? E bakit pumili ng artistang incompetent na running mate?”

“Eh mayabang masyado ‘yan! So full of himself”

“Magnanakaw naman ‘yan eh. Ginagawang business ang gobyerno.”

Sangkatutak ang post mo sa facebook, twitter at tumblr. Pinagsisigawan mo kung sino ang iboboto mo at kung sino ang di dapat iboto.

“Siya ang iboto natin! Tiyak ang asenso! Giginhawa tayo! Tapos ang kahirapan! Walang korupsiyon!”

Punung-puno ka ng pag-asa. Punung-puno ng apoy. Minsan sa anim na taon, nagiging politikal ka.

Pupunta ka sa presinto. Suot ang kulay ng kandidato mo. Boboto ka na.

Dalawa ang resolution pero iisa ang ending ng kwento mo:

Una. Nanalo ang kandidato mo. Ang saya-saya mo. Nagpost ka ulit sa lahat ng social networking site mo: “Tangina nyo! Panalo kami!” Proud na proud ka sa kandidato mo. At malaki ang tiwala mong magbabago ang Pilipinas dahil sa kanya.

Pangalawa. Natalo ang kandidato mo. BV ka. Nagpost ka ulit sa lahat ng social networking site mo: “This country deserves its leaders.” Bitter ka. Feeling mo wala na tayong pag-asang bumangon pa.

Alin man ang resolution, ito ang ending mo:

Babalik ka sa gawain mo araw-araw. Gigising, mag-aalmusal, maliligo, maghahandang pumasok. Papasok sa opisina, magtatrabaho, magrereklamo sa tambak ng trabaho at sa kakupalan ng boss mo. Di ka makahintay mag ala-singko. Uuwi, mabubuwisit sa trapik, isusumpa ang Pilipinas, mangangarap na mag-abroad. Darating sa bahay, manonood ng balita. Mabubuwisit sa Pilipinas. Kakain, matutulog.

Maghihintay ka ulit ng susunod na eleksiyon para maging politikal.

At sa tuwing mabuburat ka sa sitwasyon ng bayan mong pinakamamahal, tuwing natatrapik ka o manonood ng balita, kahit minsan, hindi mo naisip, na ikaw ang may kasalanan.

Dahil minsan ka lang sa anim na taon may pakialam.

-juan ekis

44 comments:

  1. magandang obserbasyon. hindi lang dapat tuwing eleksyon/people power nagkakaroon ng political sense o nationalism ang mga Pilipino. :)

    ReplyDelete
  2. just perfect. <3

    ReplyDelete
  3. very well said...

    ReplyDelete
  4. "Dahil minsan ka lang sa anim na taon may pakialam."

    -- NiCE ONE po.

    ReplyDelete
  5. Tama po kayo! :) You pointed out the reality of the attitude of most people in this country. Thank you :)

    ReplyDelete
  6. Isang malaking kamalian sa parte ng mga Pilipino. Masyado tayong natatali sa eleksyon. Marami dyan, hindi na naniniwala sa eleksyon pero wala rin namang ginagawa. Dapat araw-araw, minu-minuto, ang gawain mo bilang Pilipino ay magmulat ng tao. Ipakilala sa kanya ang lipunang ginagalawan niya, ipaalam sa kanya ang kalagayan ng lipunang ito at ipahayag sa kanya ang alternatibong daan para sa pagbabago. Tunay na pambansang kalayaan! Serve the People hindi lang tuwing eleksyon! :)

    ReplyDelete
  7. very well done.. :) i totally agree!

    ReplyDelete
  8. Magaling na likha. Pero sana 'wag tayong mag-generalize. Mayroon pa rin namang mga taong politikal kahit hindi eleksyon. Mayroon pa rin namang mga taong umaasang may magawa para sa ating bayan. Umaasa lang na mabigyan ng pansin.

    ReplyDelete
  9. tama. una sa lahat ang dapat baguhin ang pag-uugali ng mga tao. di lang naman ang lider ang may responsibilidad na iahon ang bansa sa lugmok ekonomiya kundi tayong lahat ay dapat magkaisa upang makamit ang tunay na pagbabago na ating inaasam.

    ReplyDelete
  10. sana di lang tuwing eleksyon namumutawi sa ating mga bibig ang mga salitang "may pag-asa pa ang Pilipinas".

    ReplyDelete
  11. i agree with kuya cleeve... huwag nating isantabi na ang institution ng gobyerno ay ang mamamayan mismo... lagi nating isaisip na ang bawat araw na dumaraan ay may bagay na dapat pagdesisyunan, at ito ang mga bagay na dapat ay araw araw nating inaalam at pinakikialamanan... yan ang pulitika, may partisipasyon tayo hindi lamang sa isang araw kundi sa bawat lumilipas na sandali ng paggalaw ng ating lipunan... tandaan nating sa araw na ito isinisilang ang bagong lipunang ating gagalawan... nasasaatin ito kung payayabungin o titibagin, hindi sa kamay ng iisang indibidwal... hindi ito ang wakas ng pakikialam...

    ReplyDelete
  12. Nice. Very well said. Galing! :)

    ReplyDelete
  13. Brilliant observation. I am nodding at almost every paragraph. :)

    ReplyDelete
  14. Ngayon ko lang narealize na bobo rin pala si Gibo, para piliin nya si Edu Manzano...tsk!

    Mahusay kaibigan! Mahusay!

    ReplyDelete
  15. two thumbs up! :))

    ReplyDelete
  16. Gordon could have been our greatest president this country ever had...but sadly track records and competence doesnt appeal to filipino electorate! Now we are doomed for another 6 damn years!

    ReplyDelete
  17. Pero bakit ganun, ang pakiramdam ko dapat mag-volunteer ako kagaya ng kandidato ko. Startign this election. >.<

    Hindi ba dapat lahat tayo ganun?

    ReplyDelete
  18. so true and well said!

    ReplyDelete
  19. I disagree with the part that Gibo chose his partner... isn't it the party that he's with that chooses their leader? Thats why Mar is not running for President because the party chose Noynoy.. and even Bayani... Correct me if im wrong but thats what i know..
    Its not that I go back to reality after the elections, i always look at whats happening in the government and their secrets because i get infos. But there is nothing we can do, because majority of the people chose those Government people to sit on those position. Not all secrets and infos are meant to be spilled. it is not easy to accept and many will not believe it.

    ReplyDelete
  20. good job! haha funny yet insightful

    ReplyDelete
  21. kudos to you! great post!

    ReplyDelete
  22. Dude, you got it. THE BEST BLOG I've read so far. :)) Natumbok mo! I applaud you.

    ReplyDelete
  23. yoh, this is fiction :D fiction that rings truer than real life ;)

    ReplyDelete
  24. Isa siguro ako sa mga tinutukoy mo na "Punung-puno ka ng pag-asa. Punung-puno ng apoy" pero hindi totoo na minsan lang ako sa anim na taon may pakialam. Ngayon lang kasi tayo nagkaroon ulit ng say sa pamahalaan.

    ReplyDelete
  25. nice one!!! :)

    ReplyDelete
  26. Nice one po. can i post this one? I will post the link as my source. Thanks! =)

    ReplyDelete
  27. repost lang nang repost. just lead them here :)

    ReplyDelete
  28. i dont agree on the part that gibo choose an artist.. i think that lakas-kampi chooses his running mate not gibo himself.. di ako bias pero anlabo naman siguro na si gibo ang pipili nun..

    ReplyDelete
  29. @anonymous:

    1. this entry does not specifically pertain to any of the candidates. it was meant to jolt the imagination.

    2. however, being the standard bearer of any party, he has first right of refusal for his running mate. not expressing it reflects his character as a party leader. :)

    ReplyDelete
  30. This is so true. I don't even think that most of the voters really research the candidates they're going to vote for. They just vote base on popularity or on who their friends are voting for. And then after everything said and done, it's back to the usual. Like nothing drastic really happened. Most Filipinos aren't aware of how life changing every election is. They just want someone who is willing to wipe their asses or to save them from something that can't fight off themselves. It's just sad.

    ReplyDelete
  31. Ok, well most are true. I never heard that about Gibo, i just always hear when it comes to Gibo is "tuta ni Gloria" not with the running mate. Thinking of villar's running mate.. whew! hehe.. anyway.. I agree but only this hits only internet users of the country who has facebook and blogs which is only about 25% of filipinos. Others dont argue because they just know about their candidate thru TV or word of the mouth. Thats why survey's thru internet and thru TV are so different and that starts those arguement, bobo si ganito, kurakot si gnyan.. etc. Still we all have to move on as of whats this blog points out. True ;)

    ReplyDelete
  32. I've always loved my country, and not to boast or whatever, I have done some of my share. I am from a family whose business is helping thousands of people. We intend to remain open for the sake of employing people so that we can help in some way. I donate to charity, I keep up with current events. Of course I can always do more.

    But the elections is the only way our voices can be heard, for it is through the elections that we get what we want.

    As for Edu...I can't help but make a comment at how unfair this is to him. This is just as bad as the silly thinking that Gibo is GMA's puppet, which by now you should realize, is definitely NOT.

    Edu is not incompetent, he's just considered by many as not qualified, but definitely he's competent. I have seen his resume, platform and ideas. They are really good. But i think he jumped in because nobody wants to run beside Gibo, and Gibo wants someone whom he can trust. No one actually lusting after his power if ever both of them win.

    It's not fair that just because we've seen the man dance Papaya so many times that we mark him as incompetent. Why, he was employed at NASA. He was in the Navy, he was one of the best Vice Mayors. He had an impressive profile.

    Sadly, it's not enough for the job as VP. He should have run as Senator. But I still voted for him because I want Gibo to have a VP he can trust. Edu is modest enough to know his capacity and he extends goodwill. He's not one to divide people.

    Read first his background and accomplishments before making that biased statement.

    Anyway, enough of defending Edu...but your post struck a chord.

    ReplyDelete
  33. @Issy: Yeah \m/ "ALL TRUE"

    ReplyDelete
  34. "TRUE but SAD", this only shows na tayong Filipino kanya kanya, di magkaisa, kung lahat tayo nasa isang bangka lahat tayo may sagwan, kanya kanyang direksyon walang tamang patutunguan.

    I hope after election we support, work and help the new leader of our country. At yung "Dahil minsan ka lang sa anim na taon may pakialam" ay mabago din.

    ReplyDelete
  35. @issy: your insights are most welcome and i appreciate your candor. i have my own biases as i am sure you have yours as well.

    please understand that this blog was never intended to attack, undermine, bash, nor support any of the candidates. the comments above are a collection of insights from a fictional "apathetic" character who is so passionate about voting but never as a citizen. the blog does not reflect my personal stand on particular candidates. this is called fiction. and as fiction, it should stand on its own, should apply universally, whether or not gibo or any of the other candidates were running in the current elections. i included anti statements for most of the popular candidates (even the one i voted) to create a specific effect to all the readers.

    apparently, it struck a chord in yours. i am glad for that.

    fiction does not make judgements on particular people, least of all, edu manzano.

    edu's resume, track record, and capacity to lead is another matter and is not the subject of this entry. i have a lot to say about that matter because i work in the industry which he supposedly "regulated" as OMDB chair. but then again, i do not wish to spend energy blabbing about that. like what the axiom said, if you have nothing good to say, shut your mouth. :D

    now, it's time to rebuild institutions. and time to do our part.

    thanks for dropping by my blog. i really appreciate well thought-out and sincere feedback coming from my readers.

    cheers!

    ReplyDelete
  36. Bravo!
    e2 pala ung blog ni X na biglang nag-1,500 w0aah!!?!?

    Minsan lng sa anim na taon may pakielam noh x?? hehe..

    ReplyDelete
  37. yes your right!!!! very good one!

    ReplyDelete
  38. Gusto mo ba ng online work?
    Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete