I've been working on this play for a couple of years now. Kapeng Barako Club is about a barkada who does not believe in love, or so they say. Ridiculous, really. It's a comedy about how people are in denial about love, how they fear rejection when love is already staring them at the face. I really hope to finish it by the end of this month.
This excerpt from the first scene, is between Eric and Masi who are best friends who made a pact that they will get married when they turn 30. Eric turns 30, Masi is in a relationship, and instead of getting married, Eric and Masi do something else under the influence of alcohol. You figure out the rest. I decided to publish only the middle of the dialogue so you'll have something to look forward to when I stage this.
I would appreciate greatly your comments and initial reactions so I know where to bring this play. Let's eavesdrop in the conversation of Eric and Masi:
This excerpt from the first scene, is between Eric and Masi who are best friends who made a pact that they will get married when they turn 30. Eric turns 30, Masi is in a relationship, and instead of getting married, Eric and Masi do something else under the influence of alcohol. You figure out the rest. I decided to publish only the middle of the dialogue so you'll have something to look forward to when I stage this.
I would appreciate greatly your comments and initial reactions so I know where to bring this play. Let's eavesdrop in the conversation of Eric and Masi:
ERIC
Sinabi mo ba sa kanya ang nangyari?
MASI
Sira-ulo ka ba?
ERIC
Tinatanong ko lang.
MASI
Gusto mo bang sabihin ko?
ERIC
Gusto mo bang malaman niya?
MASI
Wala ka bang sagot na hindi depende sa sagot ko?
ERIC
Meron ka bang tanong na hindi depende sa tanong ko?
MASI
(Matatawa)
Nang-aasar ka?
ERIC
Naaasar ka ba?
Matatawa sila pareho. Iinom ng beer si Masi.
MASI
Birthday mo lang no'n. Regalo 'yon, gago. To commemorate our stupid pact.
ERIC
Ulul. Aminin mo na, ginusto mo rin.
MASI
Sinabi ko bang ayaw ko?
ERIC
But you're still going through this bullshit?
MASI
Why not?
ERIC
Ah, the ultimate answer to all philosophical questions that pertain to the point of one's existence. Alam mo Masi, hindi na uso ang hippie ngayon. 21st century na.
MASI
Pakialam mo ba?
ERIC
At least give me a sensible answer.
MASI
Bakit kailangan mo ng sensible answer? For your peace of mind? Para sa'n pa?
ERIC
Pag sinabi ko ba sa'yong isang malaking pagkakamali ang gagawin mo, bibigyan mo ako ng sensible na sagot?
MASI
Siguro.
ERIC
You're making a big mistake. Don't do it.
Titignan ni Masi si Eric nang masama. Sandaling katahimikan. Iinom ng beer si Masi.
ERIC
Pikon.
Mapapangiti si Masi. Iinom ulit ng beer.
MASI
Akalain ba nating aabot ka ng 30 na single pa rin.
ERIC
Ouch.
MASI
Kung makapagsalita ka 6 years ago, pakakasalan mo na si Meggy eh.
ERIC
Hindi pa ako marunong uminom ng kape nun.
MASI
Ano'ng kinalaman ng kape dun?
ERIC
Uminom ka kasi ng kape nang malaman mo. Puro ka beer.
MASI
Did you make that deal with me because you thought na hindi ka aabot ng trenta na single ka?
ERIC
Ikaw, yun ba iniisip mo?
MASI
Pwede for once, sagutin mo tanong ko?
Tahimik.
ERIC
Oo.
MASI
So hindi ka nga seryoso noon?
ERIC
Kaninong idea ba'ng magkaroon tayo ng kasunduan?
MASI
Hindi ba sa'yo?
ERIC
Bakit ko naman maiisip 'yon?
MASI
Dahil ikaw ang mas malapit sa trenta?
ERIC
Hindi ba idea mo 'yon? Yun yung sinabi mo sa'kin nung binasted moko.
MASI
Binasted kita?
ERIC
Ampota. How can you forget something like that?
MASI
I don't remember rejecting you.
ERIC
Naging tayo ba?
MASI
Hindi.
ERIC
See?
MASI
Pero di ko maalalang binasted kita.
ERIC
Alam mo pumapatay ng brain cells ang alak e. Sabi mo sa'kin no'n, ayaw mo pa. Pag thirty na lang ako, dun na lang, kasal agad. Para diretso na. Wala nang boypren-gelpren relationship.
Look of disbelief sa mukha ni Masi.
MASI
Sinabi ko 'yon?
Tahimik.
MASI
Shet.