Tuesday, April 14, 2009

In Lab Ka Na Ba Exam

Di makatulog sa kakaisip sa kanya? Puro poster ng mukha niya ang kwarto mo? Pangalan niya ang bukambibig mo? Siya parati ang naiisip mo?

In love ka na ba? Akala mo lang yon. One way to find out. Sagutan ang Exam na ito para malaman kung certified in-love ka na nga.

Part 1. TRUE or FALSE

1. Paggising ko sa umaga, lagi ko siyang tinitext ng "good morning. :-*"

2. At any random time of the day, tinitext ko siya ng "miss na kita."

3. Kahit hindi sa "A" nagsisimula ang pangalan niya, siya pa rin ang unang pangalan sa address book ko.

4. Kung may 2 ticket ako sa concert ng Eraserheads, siya ang isasama ko.

5. Naimagine ko na ang wedding day namin.

6. May pangalan na ang una naming anak.

7. Lahat ng kantang naririnig ko sa radyo, tungkol sa kanya. (ultimo kanta ni Lito Camo)

8. Nakangiti ako pag natutulog.

9. Dati ayaw ko sa Air Supply, ngayon, fan na ako.

10. Picture niya ang wall paper ko.

11. Lagi akong may cheesy status sa YM.

12. Nagbabasa na ako ng Norah Roberts at Sidney Sheldon.

13. Lagi kong chinicheck ang horoscope naming dalawa.

14. Bumili na ako ng sun cellular dahil may sun din siya.

15. Alam ko ang class schedule niya.

16. Bumili ako ng SLR at nagpapanggap akong photo hobbyist para lang may excuse ako na picturan siya.

17. Hindi ko siya matitigan sa mata for more than 3 seconds.

19. Napatawag na ako ng Dean dahil pangalan niya ang naisulat ko sa test paper ko.

20. Pag nagtext siya ng "K :)" masisiraan ako ng bait at guguluhin ko ang bestfriend ko para tanungin kung ano ang ibig sabihin ng text niya.

21. Puno ang inbox ko ng puro "k" na text niya sa akin.

22. Ang status ko sa friendster at facebook ay "It's complicated"

23. Natatae ako pag nakikita ko siyang may kasamang iba.

24. Natuto akong gumawa ng epic poetry dahil gusto ko siyang bigyan ng tula araw-araw.

25. Nakatulala ako for at least 3 hours (commulative) sa isang araw


Part 2. ENUMERATION

1. Cellphone number, facebook, ym, multiply, landline, at email address niya (without looking at the address book)

2. Pangalan ng lahat ng kapatid, magulang, lolo't lola, pinsan, barkada pati pets

3. Limang walang kwentang bagay sa mundo na biglang nagkaroon ng meaning dahil naaalala ko siya pag nakikita ko.

4. Pangalan ng mga naging ex boyfriend at crushes niya (pati celebrity crushes)

5. Lahat ng favorite songs niya


Part 3. MULTIPLE CHOICE

1. Pag papalapit siya sa akin, ang una kong ginagawa ay...
a. Kunwari may ka-text o kausap ako sa celphone para hindi kami magkatinginan agad
b. Aalis bigla, kunwari nagmamadali papunta sa kung saan
c. Tutulala
d. all of the above

2. Pag nagtext siya ng tanong, nagrereply ako ng...
a. :-)
b. "ano sa tingin mu?"
c. kahit ano basta tanong din para hindi matapos ang pagtitext namin sa isa't isa
d. magtetext ako ng kaibigan para tanungin kung ano ang irereply ko

3. Pag tumawag ako sa bahay nila at tinanong ng maid kung sino nasa linya, ang sagot ko ay...
a. yung coolest nick name ko kahit hindi iyon ang tawag niya sa akin
b. "si pogi"
c. "pakisabi, yung crush niya"
d. Denny Crane

4. Pag tinanong niya: "sino ba 'yang crush mo?" Ang sagot ko ay...
a. sikret
b. kilalang-kilala mo siya
c. wala akong crush noh!
d. ikaw na lang, kawawa ka naman, walang may crush sayo e

5. Pag niyaya ka niyang magsine, ang pipiliin mong panoorin ay...
a. Romantic Comedy
b. Horror
c. Art film
d. dvd na lang sa bahay, gusto mo?

6. Nagseselos ako sa...
a. bestfriend niya of the opposite sex
b. ex niya
c. yung stuffed toy niya
d. lahat ng taong dumikit sa kanya kahit ung guard na laging bumabati sa kanya ng good morning.

7. Lagi kong nakikita ang mukha niya sa...
a. TV
b. sa kisame ko pag nakahiga ako sa kama
c. sa kawalan
d. sa panaginip

8. Nabigyan ko na siya ng...
a. blue rose
b. red rose
c. stuffed toys
d. century tuna

9. Nacheck ko na ang compatibility charts namin sa...
a. horoscope
b. chinese zodiac
c. numerology, palmistry, at baraha
d. FLAMES

10. Nasisiraan na ako ng bait sabi ng
a. best friend ko
b. barkada, kaklase, officemate, roommate ko
c. nanay ko
d. lahat sila


Part 4. ESSAY

Ano'ng meron sa kanya na wala sa iba kaya siya na nga ang "the one."





Creative Commons License
This work by Juan Ekis is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Philippines License.
Based on a work at juanekis.blogspot.com.

3 comments:

  1. pano grading system dito? ano passing? haha! ays din!

    ReplyDelete
  2. so para san to? asan ang answer key?

    ReplyDelete
  3. haha :D nakakatuwa!!

    ReplyDelete