Monday, January 08, 2007

Hinanap Kita

hinanap kita sa halik ng habagat

ngunit wala ka sa habagat,

wala


hinanap kita sa tamis ng tanaga

ngunit wala ka sa tanaga,

wala


hinanap kita sa samyo ng salita

ngunit wala ka sa salita,

wala


hinanap kita sa kilig ng kuliglig

ngunit wala ka sa kuliglig,

wala


hinanap kita sa aninag ng araw

ngunit wala ka sa araw,

wala


dahil naroon ka pala

sa aninag ng araw

sa kilig ng kuliglig

sa samyo ng salita

sa tamis ng tanaga

sa halik ng habagat

sa kaluluwa ng aking tula

2 comments:

  1. hhmm... eto na ba ung malupit mong tula?

    ReplyDelete
  2. mag-update ka! marami ka pang nakatago jan!

    ReplyDelete